Sumunod kay Urbino sina Pfc. Richard Amparo at Lt. Juline Ross Yandoc para sa ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod, habang nakabuntot kay Bernardino sina Sgt. Florivic Dinorog at Ma. Lourdes Talla sa kababaihan.
Si Major General Ricardo Brillantes ang nag-award ng cash prizes at med alya sa mga nanalo sa patakbong ito na suportado ng Beam Toothpaste at Zest-O Juice Drinks at inilaan ng Media Runners and Sports Promotions para sa mga sundalo ng Philippine Army.
Samantala, magsisimula na ang pagpapatala para sa Aug. 29 leg na gaganapin sa Rajah Sulaiman Park sa Manila.
Ang bawat entry ay dapat may kasamang P100 entry fee at pakete ng Beam Toothpaste. Lahat ng finishers ay makakakuha ng t-shirts.