Ang 20 anyos na si Laguido ay nasagi ng humaharurot na sasakyan noong nakaraang buwan at nasugatan ang kanyang kanang binti. Kahapon nagpakita ito at naghari sa 21 kilometer race sa bilis na 1:05.44.
Naungusan ni Laguido, tubong-Malaybalay, Bukidnon, ang mahigopit niyang karibal na si Roger Sawinay, runner-up noong nakaraang taon, nang 26 segundo lamang. Malayong ikatlong puwesto naman ang beteranong si Ronillo Sandinao (1:07:03) na bukod sa pagpasok sa National Finals ay nagbulsa din ng P10,000 at bagong Globe Handyphone.
Sina Sawinay at Sandinao ay makakasama din sa 42 Kilometer National Finals ng taunang karera na hatid ng Cebu Pacific, Parkview Hotel Manila, Globe Handyphone, Adidas at Department of Tourism.
Sa kababaihan, napanatli ni Ailene Tolentino ang kanyang korona nang magtapos ito sa karera sa bilis na 1:22:39 na mahigit walong minuto sa pumangalawang si Cecile Topia at third placer Helen Tacling.
Dinomina naman nina Ariel Unabie at Charue Dabatian ang 5K fun run habang sa 3K age-group pinagwagian ito ni John Kenneth Canete at Jocelyn Requerme (6-9 years old) at Arlan Podador at Annarose Boquerin (10-12).