^

PSN Palaro

UAAP Mens Basketball: Malinis na marka itataya ng Ateneo

-
Matayog ang lipad ng mga haring ibon ng Ateneo sa unang apat na laro. Ngunit si-mula sa araw na ito, tatahakin ng Blue Eagles ang kalangitan ng may malaking pi-lay ang isang pak-pak.

Ang pilay na ito ay ang pagkawala ng key player na si Larry Fonacier na hindi na maaasa-han ng Ateneo sa buong season mata-pos maoperahan ang napunit na ACL.

Dinagit ng Eagles ang apat na sunod na panalo kasama si Fonacier upang iban-dera ang malinis na record na tinitingala sa tuktok ng team stand-ings ng kasalukuyang eliminations ng UAAP men’s basket tournament.

Ang malinis na kar-tang ito ay nanganganib ngayon sa Adamson Uni-versity na kanilang maka-kasagupa sa tampok na laro, alas-4:00 ng hapon sa ikalawang seniors game.

Sa unang senior game, tangka naman ng defending champion Far Eastern University ang ikaapat na panalo na po-sibleng magtaglay sa kanila sa pakikisosyo sa pamumuno sakaling ma-bigo ang Ateneo sa unang laro, sa pakikipagharap sa inaalat pa ring National University sa alas-2:00 ng hapon.

Sa nag-iisang juniors game, bubuksan ng NU Bullpups at ng UPIS ang aksiyon sa alas-11:30 ng umaga.(Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

ADAMSON UNI

ATENEO

BLUE EAGLES

DINAGIT

FAR EASTERN UNIVERSITY

FONACIER

LARRY FONACIER

MATAYOG

NATIONAL UNIVERSITY

NGUNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with