NCAA Basketball Tournament: Makabawi asam ng Letran at San Sebastian
July 30, 2004 | 12:00am
Makabawi sa masakit na kabiguan ang pakay ng defending champion Colegio De San Juan de Letran at San Sebastian College-Recoletos sa kanilang nakatakdang pagsasagupa ngayon sa pagtatapos ng unang round ng elimination ng NCAA mens basketball Tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang tampok na engkuwentro ng SSC stags at CSJL Knights ay nakatak-da sa alas-4:00 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng Jose Rizal University at kulelat na College of St. Benilde sa alas-2:00.
Sa labanan ng top-two teams noong nakaraang Biyernes, sumadsad ang CSJL Knights kontra sa host University of Perpetual Help Dalta System, 68-71 habang naisahan naman ang San Sebas-tian ng JRU Heavy Bombers nang kumana ng buzzer-beating game winning triple si Wynsjoh Te para maitakas ng Jose Rizal ang 81-79 panalo noong July 21.
Hindi makakasama ngayon ng Letran ang kanilang star player na si Ronjay Enrile na nasuspindi ng isang laro dahil sa kanyang di magandang inasal sa nakaraang pagkatalo nang kanyang duraan sa mukha si Dom Javier.
Sasamantalahin ng Baste ang pagkakataong ito upang maiangat ang kanilang 3-3 kartada ng kasunod ng 4-2 ng Letran sa likod ng nangungu-nang 6-1 rekord ng UPHR Altas at 5-2 ng Mapua Institute of Technology.
Ang malaking panalo laban sa San Sebastian ang magiging inspiration ng Jose Rizal na nakaahon sa 2-4 kartada na pinapaborang manalo laban sa CSB Blazers na walang ipinanalo sa anim na laro sanhi ng kanilang pangungulelat.
Gayunpaman delikado ang Heavy Bombers sa St. Benilde dahil siguradong gigil nang makasungkit ng panalo ang Blazers.
Sa juniors division, maghaharap ang La Salle Zobel at ang JRU Light Bombers sa alas-11:30 ng umaga habang ang SSC-R Staglets at CSJL Squires ang magduduwelo sa dakong alas-6:00 ng gabi. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended