Binanderahan ni Nino Caneleta ang Red Warriors sa pagkamada ng 20-puntos at anim na rebounds upang pabagsakin ang Falcons.
Pinangunahan ni Caneleta ang 16-5 run sa ikatlong quarter kung saan hinatak ng East ang 28-27 bentahe sa 12-puntos na kalamangan, 44-32.
Mahalagang papel naman ang ginampanan ng mga rookies na sina Marcelino Arellano at Earl Saguindel sa ikaapat na quarter nang kanilang pigilan ang pagbangon ng Falcons. Nakalapit ng hanggang apat na pun-tos ang Adamson, ang huli ay sa 51-55 ngunit siniguro ni Arellano ang kanyang dalawang free-throws at umiskor naman ng basket si Saguindel upang iselyo ang panalo at ipalasap sa Falcons ang kanilang ikalawang talo sa limang laro.
Sa juniors division, iginupo ng University of the Philippines Integrated School ang De La Salle Zobel, 52-47 sa unang laro.
Samantala, naging matagumpay ang operasyon ng Ateneo star na si Larry Fonacier sa kanyang napunit na ACL (anterior cruciate liga-ment) at nagpapahinga na ngayon sa kanilang bahay.
Bagamat tapos na ang kanyang operasyon na isinagawa sa St. Lukes Hospital kamakalawa, hindi na makakabalik sa aksiyon sa season na ito si Fonacier dahil anim na buwan itong kailangang magrehabilitate.
Sa ikalawang seniors game, tinalo ng DLSU Archers ang UST Tigers, 79-75.