Bitbit ang pangakong bigyan ng ka-rangalan ang kanilang esku-welahan, tinapos ng UPHDS Altas ang first round sa pamamagitan ng 84-71 panalo kontra sa Philippine Christian University sa unang seniors game kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
"Salamat naman," ani Cristobal matapos iselyo ang ikaanim na sunod na panalo sa kabuuang pitong laro. "Nagbunga na rin ang lahat. Lagi kong sinasabi sa kanila (players) na the only way to protect both their name and the schools is to prove na kaya namin."
"Sabi ko nga sa kanila, hindi ba kayo nahihiya! Its been years (na walang title ang Perpetual). We have to be like a rock na di na kayang itinag," sabi pa ni Cristobal na bagama't No. 1 team na papa-sok sa second round hindi pa rin nito iniisip ang Final Four.
Sumandal ang Altas kay Conrad Fritz Bauzon na kumamada ng 25-puntos kabilang ang limang sunod na puntos sa 10-2 produksiyon na nagselyo ng kanilang tagumpay.
Buhat sa 69-74 pag-babanta ng PCU Dolphins, umiskor si Bauzon ng triple na sinundan niya ng fastbreak na kumum-pleto ng steal ni Dom Javier na naglayo sa Perpetual sa 79-69, 1:48 ang nalalabing minuto na kanilang inalagaan upang ipalasap sa Philippine Christian ang ikaapat na talo sa kabuuang pitong laro.
Naipaghiganti ng Altas ang kanilang junior coun-terparts na Altalettes na inilampaso ng PCU Baby Dolphins, 111-57 sa pang-umagang aksiyon. (Ulat ni CVOchoa)