Kawawa naman si Larry Fonacier

Kawawa naman si Larry Fonacier.

Napakabait pa namang player nitong si Larry.

Nag-uumpisa pa lang ito sa Ateneo ay nasundan na namin ang career ni Larry.

Napakatahimik na tao at kailanman ay hindi nasabit sa mga gulo.

Talagang ganyan sa basketball. Accidents happen at a time you least know it.

Sa isang simpleng laro laban sa UP, nangyari ang di dapat mangyari.

Siguro, naiisip ngayon ni Sandy Arespacochaga na sana, hindi na lang niya ginamit si Larry tutal naman malaki ang lamang nila at that point.

Ikahuling taon na ni Larry para sa Ateneo kaya ang ibig sabihin, ikahuli na rin niyang laro yun para sa Ateneo.

What a way to say goodbye to your team and to the league.

Our prayers for Larry that he may recover soon, at

Sana ang surgery niya today kay Dr. Canlas will be successful.
* * *
Paano naka-alis at nakasali sa Jones Cup team sina

Omanzie Rodriguez at Mark Pingris ng hindi nalalaman ng PBA?

Sa tutuo lang, kahit sa Jones Cup eh bale wala naman ang presence ng dalawang ito sa RP team na sa ngayon eh hindi pa rin nananalo .

Bakit di man lang nagpaalam ang dalawang ito sa PBA?
* * *
Pupunta sa ibang bansa ang mga PBA games at maglalaro doon.

Magandang balita yan para sa mga Pinoy na nagtatrabaho abroad at matagal ng gustong makita ng live ang mga favorite players nila.

Magastos yan tiyak pero oks na oks yan.

Good move from the PBA.
* * *
Huwag naman nilang sabihin na ending na ng Ateneo ngayong nawala na si Larry Fonacier.

Insulto naman yan sa ibang players ng Ateneo.

Baka nga malay n’yo, lalo pang mag intensify ang laro ng Blue Eagles.

Baka lalo pang ma inspire. Nangyari na sa kanila noon ng ilang beses. Nawawalan sila ng key players and yet, nakaka survive sila.

While we all know that indeed Larry is the best Blue Eagles this season, hindi naman sapat yan na sabihing wala na ring chance ang Ateneo now that he’s out of the team.

That’s being unfair to the other players who badly want Ateneo to win.

Show comments