PBL All-Star dadayo sa Qatar

Habang nasa kalagitnaan ng tatlong buwang pahinga, nagtatag ang Philippine Basketball League ng star-studded selection na siyang kakatawan sa bansa sa mga mahigpitang international tournament na nakatakda sa Qatar sa Agosto 5-13.

Sinabi ni Commissioner Chino Trinidad nang maging panauhin ito kahapon sa PSA Forum sa Manila Pavillion na ito ang kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na limang taon na ang PBL selection ang siyang kakatawan sa bansa para sa multi-nation tournament.

"It’s already a victory in itself for the PBL because being invited to this tournament means that the organizers believe in our program. That’s why we’re not passing up on this opportunity," wika pa ni Trinidad.

Sinabi pa ng batang Trinidad na siya ay nakatanggap ng imbitasyon noon lang naka-raang buwan upang bigyan siya ng kaunting oras na makabuo ng selection na magsasanay sa loob ng tatlong linggo sa ilalim ng champion coach na si Junel Baculi ng Hapee Toothpaste.

Idinagdag pa ni Trinidad na ang Team PBL ay pinayagan na magdala ng import, subalit nagdesisyon sila na bigyan ng tsansa ang mga locals na sumabak sa labas ng bansa. Isang all-Pinoy lineup ang tiniyak ni Trinidad na kanyang ipadadala sa malaking bilang ng Filipino community sa Qatar.

Ang mga miyembo ng koponan ay sina Cesar Catli, Warren Ybañez, Jayson Misolas, Neil Raneses at Joel Co ng Viva, Chester Tolomia, JR Reyes at Marvin Ortiguerra ng Welcoat; Mark Macapagal at Reed Juntilla ng Hapee, Froilan Baguion at Jondan Salvador ng Montana, Aaron Daa ng Toyota Otis-Letran and Jam Alfad ng Blu Star.

Si Butch Maniego, execu-tive assistant to the commis-sioner ang siyang head of delegation, habang ang businessman-sportsman na si Bernard Yang ang siyang team manager. Nakatakdang umalis ang koponan sa Qatar sa Aug. 3.

Mapapasabak ang Team PBL sa mga koponan mula sa Egypt, United Arab Emirates, Qatar at posibleng sumabak din ang Lebanon.

Show comments