Pinay belles naka-silver lang
July 27, 2004 | 12:00am
Bagamat ibinigay ng Philippine womens volleyball team ang lahat ng kanilang makakaya upang malusutan ang mabigat na labang inilatag ng beteranang Taiwanese team, hindi pa rin ito sapat upang maiwasan na malasap ang (0-3) 16-25, 19-25, 21-25 kabiguan upang makawala sa kanilang kamay ang iniingatang titulo sa 2nd Inter-religious Peace Sports Festival na ginaganap sa Sun Moon University sa Asan, Korea.
At dahil sa pagbibigay ng buong suporta ng 46- RP contingent sa pangunguna ng delegation head na si Jose Ma. Sumiller at Philippine Amateur Volleyball Association president Roger Banzuela, nagawang itindig ng Filipina volleybelles ang kanilang reputasyon nang bigyan ng sakit ng ulo ang Taiwanese sa kanilang mga pag-atake sa net.
At ang kanilang game plan at taktika ang naging daan upang maging ma-higpitan ang pagpapalitan ng puntos kung saan ang nagtatanggol na kampeon ay binanderahan ni Ma. Concepcion Legaspi at Rubie de Leon at kunin ang 16-15 bentahe sa first set.
Subalit sa sumunod na tagpo, medyo kinapitan ng malas ang Pinay belles nang magsimulang kumulapso sa kanilang depensa at makamit ang kabiguan sa nasabing set.
Halos ganito rin ang naging eksena sa second set nang makipaglaban ng mata-sa-mata ang Pinay belles bago sa huli ay dumausdos tungo sa kanilang pagkatalo.
Sa kabilang banda naman, hindi rin pinalad ang mens counterpart ng Philippines na maisubi ang bronze medal matapos na yumukod sa Sri Lanka, 18-25, 22-25, 20-25.
Kasalukuyang nakikipaglaban ang Philippines sa track and field, badminton at table tennis sa IPSF annual interfaith and inter-cultural athletic event na ito habang sinusulat ang balitang ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended