^

PSN Palaro

BAKIT WALA SI VILLANUEVA?

FREE THROWS - AC Zaldivar -
MARAMI ang nagtataka kung bakit hindi napasama sa All-Star Game si Enrico Villanueva ng Red Bull Barako bagama’t ito ang maituturing na marquee player ng kanyang koponan.

Oo’t hindi pa maituturing na superstar si Villanueva na isang sophomore sa PBA. Pero siya ang pinagtitilian ng mga fans. Hindi ang kanyang kakamping si Davonn Harp na kahit na sabihing may asim na sa paglalaro ay hindi naman ganoon ang hakot sa mga sumusubaybay sa PBA.

Katunayan, sa nakalipas na best-of-five Finals ng Gran Matador-PBA Fiesta Conference, hindi maitatangging malaki ang naiambag ni Villanueva sa Red Bull. Tumaas ang antas ng kanyang laro samantalang naging disappointing naman ang performance ni Harp na sa Game-Two lang nakapagpakitang-gilas.

Si Harp ay kabilang sa North team na hahawakan ni Red Bull coach Joseller "Yeng" Guiao. Kasama niya sa koponang ito sina Vergel Meneses, Rommel Adducul, Olsen Racela, Paul Artadi, Rich Alvarez, Willie Miller, Mark Caguioa, Dennis Espino, Rudy Hatfield, Ali Peek at Jeffrey Cariaso.

Biruin mong si Alvarez, na isang rookie sa line-up ng Shell Velocity ay nakasali sa North Team. Kakampi ni Villanueva si Alvarez sa Ateneo Blue Eagles at parehas lang naman ang kanilang husay. Katunayan, si Villanueva ang nahirang na Most Valuable Player ng University Athletic Association of the Philippines nang magkampeon ang Ateneo noong 2002.

Wala namang magagawa si Guiao kahit humirit siya na isama si Villanueva sa line-up ng North Team. Hindi naman kasi siya ang namimili ng manlalaro kundi isang panel ng mga coaches.

Kumbaga’y binalanse din ng mga namili ang bilang ng mga manlalaro per team na isasama sa All-Star Game. Dalawa na sa Red Bull ang nakuha at ito’y sina Harp at Junthy Valenzuela na kasama naman sa South team. Understandable na isama si Villanueva dahil sa Cebu gagawin ang All-Star Week. Sikat si Valenzuela sa mga Cebuano dahil tagaroon siya. Panghatak din siya sa mga manonood ng sagupaan ng dalawang koponan.

Pero big letdown nga ang pagkawala ni Villanueva na kung dito sa Mayila gaganapin ang laro ay nanaisin talaga ng mga fans na makita.

Naghihinanakit nga lang ang ilang miyembro ng Red Bull Barako lalo na ang management nito.

Kasi nga, sa tuwing mayroong functions ang PBA gaya ng mall tours at kailangan ng mga manlalarong magsisilbing guests, hinihiling ng PBA Commissioner’s Office na sumama si Villanueva dahil nga malakas ang hatak niya sa mga fans.

Kung ganoong kalakas si Villanueva sa mga fans at palagi siyang pinapupunta ng PBA sa mga functions nito, aba’y bakit nga ba hindi siya napabilang sa North Team?

Hindi kaya ma-disappoint ang mga fans kahit na karamihan ng mga ito ay Cebuano sa pagkawala ni Villanueva?

ALI PEEK

ALL-STAR GAME

ALL-STAR WEEK

ALVAREZ

NORTH TEAM

RED BULL

RED BULL BARAKO

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with