^

PSN Palaro

Kapatid ni Manny Pacquiao,nanalo

-
Mula ngayon hindi na ipakikilala bilang ‘di-gaanong kilala’ si Rexon Flores, habang hindi na rin puwedeng pagd-dahan ang estado ni Bobby Pacquiao bilang Philippine superfeatherweight champion.

Umiskor si Flores ng knockdown sa second round at naki-pagrambulan sa kanyang daan upang makopo ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) Asia-Pacific flyweight title kontra kay Aree Phosuwungym ng Thailand sa 12 round noong Miyerkules ng gabi sa Grand Boulevard Hotel sa Roxas Blvd., Manila.

Pinaboran ng Pinoy judges ang Parañaque City-based na si Flores, 117-110, 116-112 at 114-113 upang isiguro sa kanya ang puwesto sa top 156 flyweight ranking ng WBO sa susunod na buwan at maka-sama ang mga kababayang si No. 7 Glenn ‘Filipino Bomber’ Donaire.

Nagsilbing main event sa ‘Final Encounter’ card, pinasaya ni Pacquiao ang may 200 crowd, nang umiskor ito ng unanimous decision sa third round sa kanyang pakikipag-laban ng apat na champion sa kabuuang limang beses na pakikipagtagpo sa mahigpit na karibal na si Baby Lorona Jr.

Ang tagumpay ng batang kapatid ni Manny Pacquiao na hindi napanaood ang pagdepensa ni Bobby sa unang pagkakataon, ay ang pinaka-impresibong panalo kontra kay Lorona. Komportableng na-pagwagian ni Pacquiao ang lahat ng tatlong cards, 117-113, 116-111 at 115-112.

Sa undercard, pinaluhod ni Ernesto Rubillar si Jovy Oracios habang nauwi naman sa technical draw ang laban ng kanyang kapatid na si Juanito kontra kay Flash Sambajon.

AREE PHOSUWUNGYM

BABY LORONA JR.

BOBBY PACQUIAO

ERNESTO RUBILLAR

FILIPINO BOMBER

FINAL ENCOUNTER

FLASH SAMBAJON

GRAND BOULEVARD HOTEL

JOVY ORACIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with