PIYESTA NG MGA PLAYERS
July 22, 2004 | 12:00am
Ngayon lang nakaranas ng bakasyon sa gitna ng taon ang mga PBA player. At nilulubos ng karamihan ang pagkakataon, dahil gaganapin sa ikalawang linggo ng Agosto ang All-Star Week.
"Ngayon lang namin malulubos ang pagkalibre ng mga player, kaya ngayon ang schedule ng kanilang mga promotional appearances," paliwanag ni Ed Cordero, team manager ng Purefoods TJ Hotdogs. Karamihan ng Hotdogs ay nagkalat sa iba-ibang lalawigan para dumalaw sa mga palengke.
Para sa mga ibang player, ngayon lang nila mapagbibigyan ang napakaraming mga paanyaya sa kanila.
"Tuwing season, hindi naman makatango ang mga player, kaya ngayon lang sila nakakasipot sa mga imbitasyon," dagdag ni Ariel Vanguardia, assistant coach ng Talk N Text Phone Pals. Sila Jimmy Alapag at Harvey Carey, halimbawa, ay dadalo sa pagbubukas ng isang torneo na itinaguyod ng Smart sa darating na Sabado.
Para sa karamihan ng player, ito ay pambihirang pagkakataon para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Si Danny Ildefonso ng San Miguel Beermen ay umuwi sa kinalakihan niyang Urdaneta, Pangasinan, habang ang kakamping si Dondon Hontiveros ay dumalaw sa kanyang pamilya sa Cebu. Ang romantikong si Jeff Cariaso ng Coca-Cola ay nasa San Francisco kapiling ang kanyang mahal na si Michelle.
Ang angkan naman ni Patrick Fran ng Talk N Text ay nagpapalamig sa Baguio.
Marami sa mga Fil-Am ay bumisita sa kanilang mga magulang sa US.
Pero hindi lahat ay naglalakwatsa. Di lang iilan ay nagsasanay ng sarili, dahil ang hirap nga bawiin ang kundisyon.
Ang mga coach ay nagplaplano ng mga sasalihang coaching clinic sa Amerika.
May nagbabalak magsanay sa NBA teams sa pre-season.
Sa pangkalahatan, naninibago ang lahat, dahil ngayon lang sila nakasabay sa bakasyon sa ibang bansa.
Oo nga pala, dumalaw kayo sa isang autograph-signing at picture-taking sa atrium ng Robinsons Novaliches, kapiling ang ilan sa inyong mga paboritong PBA players.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended