^

PSN Palaro

UAAP Basketball Tournament: Malinis na baraha asam ng Ateneo

-
Ang Ateneo de Manila University na lamang ang natitirang koponan na walang talo sa kasalukuyang eliminations ng UAAP basketball tournament at sisikapin nilang manatiling malinis ang kartada sa pakikipagharap sa University of the East ngayong hapon sa kanilang pagsasagupa sa Araneta Coliseum.

Ikatlong sunod na panalo ang target ng ADMU Blue Eagles sa kanilang alas-4 ng hapong engkuwentro sa ikalawang seniors game pagkatapos ng laban ng University of Santo Tomas at University of the Philippines sa ala-1:30.

Nasa liderato ng over-all standings ang Ateneo taglay ang 2-0 win-loss record, ngunit nakadikit ang mga mahihigpit na kalabang De La Salle University, defending champion Far Eastern University, at ang pinalakas na Adamson Univer-sity na pare-parehong may 2-1 kartada.

Muling sasandalan ng Blue Eagles sina L. A. Tenorio at Larry Fonacier para dugtungan ang kanilang winning-streak na magbibigay ng distansiya sa kanilang mga kalaban.

Ang nakaraang 63-56 panalo kontra sa UP Maroons noong Sabado ang magiging inspirasyon ng UE Red Warriors, may 1-1 record katabla ang UST Tigers, na nabigo sa FEU Tamaraws noong opening day, July 10, 61-89.

Ang buwenamanong panalo ng Ateneo laban sa kanilang mahigpit na karibal na DLSU Green Archers, 75-72 noong July 11 na nasundan ng 81-70 pamamayani sa UST Tigers, 81-70 noong Sabado.

Sa juniors division, ang unang match ay sa pagitan ng UST Tiger Cubs at UPIS sa alas-11:30, habang ang La Salle Zobel at ang UE Pages ay magsasagupa naman sa ikaapat at huling laro sa dakong alas-6 ng gabi. (Ulat ni Carmela V. bOchoa)

ADAMSON UNIVER

ANG ATENEO

ARANETA COLISEUM

ATENEO

BLUE EAGLES

CARMELA V

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

LA SALLE ZOBEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with