^

PSN Palaro

NCAA Basketball Tournament: Stags ginulat ng Bombers

-
Naisahan ng Jose Rizal University ang mas pinapaborang San Se-bastian College nang pumasok ang minadaling tres ni Wynsjohn Te bago tumunog ang final buzzer para sa 81-79 panalo sa pag-usad ng eliminations ng NCAA basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kaha-pon.

Nagdiwang ang JRU crowd nang lumusot ang basket ni Te galing sa in-bound pass ni Lester Mark Lindaya bago maubos ang dalawang segundong natitira sa huling posesyon ng Heavy Bombers na nakabangon mula sa apat na sunod na kabiguan.

Umangat ang Jose Rizal sa 2-4 win-loss slate matapos ipalasap sa SSC Stags ang masakit na pagkatalo na nalagutan ng three-game winning streak na naging dahilan ng pagbagsak ng kanilang karta sa 3-3.

Sa ikalawang seniors game, tinalo naman ng San Beda College at College of St. Benilde, 84-60.

Ang panalong ito ng Bombers ay lumukob sa kabiguan ng kanilang junior counterpart nang yumuko ang Light Bombers sa SSC Staglets, 70-97. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

COLLEGE OF ST. BENILDE

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LESTER MARK LINDAYA

LIGHT BOMBERS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA COLLEGE

SAN SE

WYNSJOHN TE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with