^

PSN Palaro

All-Star teams kumpleto na ang line-up

-
Kumpleto na ang line-up ng North at South team na magsasagupa sa main event ng All-Star week na gaganapin sa Cebu City sa Agosto 9-15.

Ang South squad na kinabibilangan nina Eric Menk, Asi Taulava, Jimmy Alapag, James Yap at Kenneth Duremdes bilang mga starters na ibinoto ng mga fans ay sasamahan nina Jun Limpot, Joachim Thoss, John Ferriols, Dale Singson, Ronald Tubid at ng mga Cebuanos na sina Junthy Valenzuela at Dondon Hontiveros.

Ang North team na kinabibilangan ng mga starters na sina Vergel Meneses, Rommel Adducul, rookie Paul Artadi at top draft pick Rich Alvarez ay sasamahan naman nina Willie Miller, Mark Caguioa, Dennis Espino, Rudy Hatfield, Davonn Harp, Ali Peek at Jeffrey Cariaso

Sina Duremdes at Alvarez ay di kasama sa original na starters. Si Du-remdes ang pumalit kay Danny Seigle, ang top vote getter, sa South at si Alvarez naman ang humalili kay Danny Ildefonso sa North dahil parehong umatras ang dalawang San Miguel stars dahil sa kani-kanilang injuries.

Si Red Bull coach Yeng Guiao, ang vice governor ng Pampanga, ang hahawak ng North squad habang ang South ay itinalaga kay Talk N Text coach Joel Banal matapos umatras ang champion coach ng Ginebra na si Siot Tanquingcen na naghahanda para sa kanyang nalalapit na kasal.

Sina Guiao at Banal ang namili ng pitong players na makakasama ng mga starters mula sa pool ng manlalarong ini-nominate ng iba pang coaches.

Ang All-Star game ay gaganapin sa Cebu City Coliseum sa Agosto 15 kasabay ang finals ng mga skills competition na kinabibilangan ng 3-point kung saan defending champion si Alapag, Slam dunk competition kung saan defending champion si Brandon Lee Cablay, Obstacle competition kung saan defending champion si Rob Johnson at ang bagong event na Trick Shot.

Ang eliminations ng skills competition ay gaganapin sa August 13 sa Mandaue.

Mag-iikot din ang PBA sa ilang orphanage at ilang colleges at gagana-pin ang Gimik ng Bayan sa Ayala Cebu.

Magkakaroon din ng Legend’s 3-point competition kung saan maglalaban-laban ang matitinik na shooters ng tatlong henerasyon, 3-on-three competition para sa mga celebrities.

AGOSTO

ALI PEEK

ALVAREZ

ANG ALL-STAR

ANG NORTH

ANG SOUTH

ASI TAULAVA

AYALA CEBU

BRANDON LEE CABLAY

CEBU CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with