Bagamat isang full-blooded Pinoy si Alex Pagulayan, ang bansang Canada kung saan siya naninirahan sa kasalukuyan ang kanyang kinatawan sa prestihiyosong billiards event na sa unang pagkakataon ay hindi sa Cardiff, Wales ginanap.
Kahit ano pa ang sabihin nila, isang Pinoy ang kampeon. Mahirap din ang daan na tinahak ni Pagulayan dahil dalawang Taiwanese ang kanyang tinuhog para makamtan ang prestihiyosong titulo na ito na mismong sa bansa ng mga Taiwanese ginanap.
Ang balita ko pa nga, napakahirap sawayin ng mga Taiwanese fans lalo na kung bigatin ang kalaban ng kanilang mga kababayan.
Siguro nanahimik ng husto ang Taiwanese fans nang payukurin ni Pagulayan ang kanilang idolo!
Kasi parang mag-isa lang siyang Canadian na kasali, at purong Pinoy pa.
Kaya tuloy maging si Aristeo Poch Puyat ay tila interesado na rin kay Pagulayan. Hindi bat sa isang laro niya nang wala ng Pinoy eh may logo ng Puyat Sports ang kanyang t-shirt?
Well, walang masama. At least dumarami ang hawak niya na pawang de kalibre naman talaga tulad nina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante.
Kunsabagay, sabi naman niya eh manalo man o matalo dito sa Pinas ang diretso niya.
Siya palay taga-Isabela.
Magbabakasyon muna siya sa Isabela bago umuwi ng Canada kung saan siya naka-base.
Tiyak na may tournament o exhibition games na ihahanda ang Puyat Sports para sa kanya.