All-Filipino Conference gagawing Perlas ng Silangan Conference
July 20, 2004 | 12:00am
Ano ang tunog nito sa inyo?
Sa kasalukuyan, nag-iisip ang Philippine Basketball Association na palitan ang All-Filipino Cup at tawaging Perlas ng Silangan Conference bilang tugon sa kahilingan ng ilang sektor dahil sa totoo lang mas maraming Fil-foreigners ang naglalaro sa liga, habang patuloy na kinukuwestiyon ang kanilang citizenship.
Ipinaliwanag ng mga kritiko na hindi karapat-dapat tawaging All-Filipino ang naturang kumperensiya dahil sa ilang hindi akmang pangyayari.
Ang 30th season ng PBA na nakatakdang magbukas sa Oktubre ay magmamarka din ng Pearl anniversary ng kauna-unahang play-for-pay loop sa Asya at ang pagpapalit ng pangalan ng prestihiyosong conference ay karapat-dapat.
Ang defending All-Filipino champion na Talk N Text ay tinatampukan nina Fil-Tongan Paul Asi Taulava at Fil-Americans Jimmy Alapag, Harvey Carey at William Kahi Villa.
Dadalo si PBA Commissioner Noli Eala sa PSA Forum ngayon sa Manila Pavilion upang talakayin ang plano ng liga kabilang na ang pagpapalit ng pangalan ng torneo. (Ulat ni ACZaldivar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended