Naorasan si Trono ng 28 minutos at 18 segundo para sa 7-km na karera, habang si Laguitao naman ay pumoste ng 25: 41 sa 5-km sa division para sa mga babae. Sila ay nagkamit ng medalya at cash prizes mula sa Beam Tooth-paste at Zest-O Juice Drinks.
Sumunod kay Trono sina Jay Francis Estigoy (28:21) at Clark Suarez Arriola (28:35) para sa ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod. Nanguna naman si Laguitao kina Yee Lyne Lacpao (26:03) at Jovelyn Abe (26:51).
Si PNPA head, Senior Supt. Jose Antonio Salvacion, ang nagbigay ng cash prizes at medals sa mga nanalo. Kasama sa nagwagi ang team champion na Charlie Company.
Sina Salvacion at ang Media Runners and Sports Promotions ay nagkasundo na dalhin muli ang patakbo sa PNPA sa darating sa Oktubre.
"We thank the PNPA, particularly Senior Superintendent Salvacion for allowing us to stage the event for their cadets. As I said before in our Philippine Military Academy leg, I hope this will a start of long term partnerships for us," wika ni Jonel Promotions head Nelson Macaraig.