At sa pagpapatuloy ng fourth, hinatak ni Rañola ang kanilang laro ng 10th International Master Yuri Gonzales ng Cuba na madala sa draw upang makalikom ng kabuuang 3.5 puntos na naglagay sa Pinoy woodpusher na makasalo mula sa 2nd hanggang 11th place na kinabibilangan nina 2nd seed Super Grandmaster Aleksander Delchev ng Bulgaria, 3rd seed GM Vladim Burmakin ng Russia, 9th seed GM Mihkail Suba ng Romania, 12th seed IM Fernando Braga ng Italy, 14th seed Loan Cosma ng Romania,16th seed IM Peter Velicha ng Czech Republic, 22nd seed IM Herman Van Riemsdijk ng Brazil at 23rd seed IM Bernd Kohlweyer ng Germany.
Sa kabilang banda, hindi naman nasustinihan ni IM Ronald Bancod ang kanyang impresibong panimula nang matapos na umiskor ng dalawang sunod na panalo na nagdala sa kanya kahapon sa pansamantalang liderato, nalaglag naman ito makaraang patiklupin ng Super GM na si Delchev sa pakikisosyo sa ikatlong puwesto matapos na makalikom ng kabuuang 3 puntos sa pagtatapos ng ikaapat na round.