Isang matulis na spike ang pinakawalan ni Barros upang maisubi ang 25-22-, 25-15, 25-19 panalo upang iuwi ng Brazilian belles ang $35,000 leg prize.
Ang Brazil ay may 6-0 record at 12 Grand Prix points para manatiling lider patungo sa ikatlong leg na gaganapin sa Jeju City, Korea sa July 22-24 kung saan ka-grupo nila ang Cuba na wala pang ring talo sa dalawang laro sa Pool F sa laro naman sa Jakarta, Indonesia.
Ang Pool G kung saan kasama ang powerhouse USA at Russia ay lalaro naman sa Rostock, Germany habang ang Pool H ay iho-host ng defending champion China sa Hefei.
Samantala, nakuha ni Milagros Cabral dela Cruz ang puso ng Pinoy fans na dumayo sa PhilSports Arena at naisubi rin ng Dominican Republic ang kanilang kauna-unahang panalo sa three-week preliminaries na ito.
Kakaibang porma ang ipinamalas ng Dominican Republic ng isukbit nila ang 3-1 panalo kontra sa mas pinapaborang Poland sa unang laro, kahapon.
Bagamat mas may kaliitan kontra sa mas malalakas na spiker sa torneo, nagpasiklab ang 59 na si dela Cruz na umiskor ng 13 puntos sa spikes para pagbidahan ang 25-13; 28-26; 18-25; 25-20 panalo kontra sa Poland.
Ito ang kauna-unahang panalo ng Dominican Republic matapos ang anim na laro upang makalikom ng 7 Grand Prix points patungo sa ikatlong leg na sabay-sabay gaganapin sa Germany, China at Korea sa July 22-24. (Carmela Ochoa)