Humugot ng ikalimang foul si Santos nang pigilan niya si Ryan Arana sa pag-iskor may 6:24 pa ang nalalabi na nagbigay daan sa Green Archers na palawigin ang 54-40 bentahe sa 60-51.
Ang panalo ng Green Archers ay nagbigay sa kanila ng pakikisosyo sa Tamaraws sa ikalawang posisyon.
Samantala, nagpamalas ng impresibong laro ang Adamson University nang igupo ang National University, 69-53, para sa kanilang ikalawang panalo.
Maagang nagparamdam ng supremidad ang Falcons nang sa kaagahan ng first half ay agad lumayo ito sa 38-21 half-time scores na tinampukan ng triples ni Patrick Tiongco.
Gayunpaman hindi basta sumuko ang Bulldogs nang nakuha pa nilang maibaba ang bentahe ng San Marcelino-based dribblers sa 32-44 nang umiskor ng basket si rookie Edwin Asoro, may 3:14 sa third period.
Sa juniors division, kumamada ng pinagsa-mang 51 puntos sina Julius Porlaje at Paul Zamar upang tulungan ang UE Pages na igupo ang NU Bullpups, 84-68, para sa unang panalo sa tatlong asignatura.