PANLABAN SA DIABETES

Nakasalubong ko ang isang dating kaklase, varsity at national player noong araw. Muli siyang nakasuot ng unipormeng pambasketbol. Tinawagan siya upang makibahagi sa pep rally ng aming paaralan. Nagulat ako, di dahil kundisyon siya, kundi dahil napakapayat niya. Di ko napigilan ang magtanong.

"Diabetic na ako," sagot ng aking kaibigan. Nabigla ako lalo.

Ayon sa mga pag-aaral, mabilis na nagiging numero unong sakit sa buong Asya. At bagamat madalas natin itong mabalitaan, hindi tayo tinatamaan hangga’t di nagkakaroon ng ganitong sakit ang isang taong kilala natin.

Halimbawa nito ay ang asawa ng una kong cameraman nang ako’y maging reporter. Siya’y may diabetes, at dahil dito’y napakatagal maghilom ng kanyang mga sugat.

Minsan, natisod siya, at nagkaroon ng maliit na hiwa ang ikalawang

daliri ng kanyang kaliwang paa. Hindi gumaling ang sugat, bagkus ay

lumaki pa. Di niya alam, may gangrene na pala siya. Matapos ang ilang buwan, pinutol ang daliri ng kanyang paa. Pagkalipas ng ilan pang buwan, buong paa na ang tinanggal. Di nagtagal, nalason ang kanyang dugo, at siya’y namatay. Ang lahat ng ito, dahil lamang sa isang maliit na sugat, at diabetes.

Pero ngayon, may mga produktong nagbibigay ng pag-asa sa mga diabetic, produkto ng daan-taong pagtutulungan ng mga doktor mula sa India at Kanluran. Sa tanyag na ospital sa India at Malaysia, dumaan sa masusing pagsisiyasat ng mga kilalang endocrinologist ang pormulasyon ng Cogent db+ ay napatunayang epektibo.

Ang pag-aaral ay nailathala sa prestihiyosong The Journal of Alternative and Complementary Medicine. Sa pagsisiyasat, 60 katao na may type 2 diabetes mula 30 hanggang 70 taong gulang, ay hinati sa dalawang grupo.

Ang unang grupo ay uminom ng 2 tableta ng Cogent db+ dalawang beses sa isang araw, matapos kumain, kasabay ng gamot na pampababa ng blood glucose.

Pagkatapos ng tatlong buwan, nakitang mas mababa ang fasting blood glucose, insulin secretion, total cholesterol, at umayos ang paggana ng kidney at liver.

Pinagtibay pa ng apat na animal experimentation studies ang resultang ito. Lalong naging malinaw na ang herbal supplement na Cogent db+ ay di lamang nakakasawata sa mga komplikasyon ng diabetes mellitus type 2, nakakapagbigay pa ito ng ibayong lakas.

Sa Pilipinas, ang Cogent db+ ay nasa pamamahala ng Davenben Enterprises Corp. sa Jollibee Plaza, Emerald Ave., Pasig. Matatawagan sila sa 638-8379 o 638-8573.

Show comments