World Grand Prix: Dominicans yuko sa Koreans
July 18, 2004 | 12:00am
Dismayado ang mga fans ni Leila Barros na dumayo sa PhilSports Arena nang saglit lamang nilang napanood sa court ang paboritong volleybelle.
Walang plano ang Brazilian coach na gamitin si Barros kahapon dahil sa kanilang team agreement ngunit napilitan siyang pagbigyan ang mga manonood na walang sawang sumisigaw ng Leila, Leila, Leila bago maisubi ng Brazil ang matchpoint para sa 3-0 panalo kontra sa mapanganib na Poland.
Nainip sa paghihintay ang mga manonood kay Barros na tumulong kay Valeska Menezes sa pagba-block ng smash ni Niemczyk-Wolska Malgorzata para iselyo ang tagumpay, ang ikalawang sunod sa 2nd leg ng World Womens Grand Prix.
Sa kabuuan, ang Brazil, naka-sweep ng tatlong games sa unang leg sa Taiwan, ay mayroon nang anim na sunod na panalo at 10 Grand Prix point para manatiling lider sa 12-team field ng 3-week preliminaries na ito.
Samantala, marahil, walang saysay sa ilan ang panalo ng Korea kontra sa Dominican Republic ngunit napaka-signipikante nito para sa mga Koreans.
Masaya ang mga Koreans dahil natikman nila ang kauna-unahang panalo matapos mabokya sa tatlong laro sa unang leg sa Thailand noong nakaraang Lingo at mabigo sa kanilang unang asignatura kahapon kontra sa Poland, 0-3.
Sumandal sa malakas na opensiba ni Choi Kwang-Hee (No. 6) na umiskor ng 11-points, 10 nito ay mula sa spikes at sa sunud-sunod na errors ng Dominicans para sa 25,19, 25-17 at 25-14 panalo sa unang laro.
Dahil dito, umangat ang Korea sa 1-4 record ng 12-team field ay may-roon nang 6-Grand Prix points sa ikalawang leg ng three-week preliminaries kung saan uusad sa finals ang top-five teams kasama ang Italy na magho-host ng final leg na gaganapin sa Reggio Calabria sa July 28-August 1.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am