Hindi na ngayon.
Inaasahang muling mabubuhay ang Leila mania sa pagbabalik si Barros sa PhilSports Arena sa pagbubukas ng kampanya ng Brazil sa ikalawang leg ng World Womens Volleyball Grand Prix ngayong hapon.
Makakasagupa ng Brazil ang Dominican Republic sa unang laro, dakong alas-5:00 ng hapon na susundan ng engkuwentro ng Korea at Poland sa dakong alas-7:00 ng gabi.
Bukod kay Barros, napukaw din ni Erika Coimbra ang puso ng mga Pinoy noong 2002 dahil sa kanyang matitinik na spikes na inaaasahang muling masisilayan ngayon para pamunuan ang Brazil na nanguna sa Pool B sa unang leg noong nakaraang Linggo sa Miao Li, Taiwan.
Nakataya ang $35,000 sa bawat leg at may $25,000 sa runner-up, $20,000 sa third at $15,000 sa fourth.
Magsisimula din ang ak-siyon sa Hong Kong leg para sa Pool E kung saan kabilang ang Cuba na nanguna sa Pool A sa Thailand leg at ang Indonesia leg para sa Pool F kung saan kakampanya ang Italy na namayagpag naman sa Pool C na ginanap sa Japan.
Papasok sa second leg ng three-week preliminaries, ang Brazil, Italy at Cuba ay may tig-6 points nang naiipon kasunod ang defending Grand Prix champion China, Russia at U.S.A. ay may tig-5 points.
Ang Poland na nagtapos na may 1-2 record sa Japan leg ay may 4-puntos at tig-3 puntos naman ang Poland at Korea na walang naipanalo sa unang leg.
Pagkatapos ng tatlong linggong preliminaries ng 12-teams, uusad ang top-five teams base sa point system sa finals kasama ang Italy na siyang magho-host ng Grand finals sa July 28 hanggang August 1 sa Reggio Calabria.
Ang ikatlong leg ay sa Germany para sa Pool G, China para sa Pool H at Korea para sa Pool I sa June 22-24.
Ang grand prize naman para sa taong ito ay $170,000 para sa champion team, $85,000 sa runner-up, $45,000 sa third, $40,000 sa fourth, $35,000 sa fifth at $25,000 sa sixth.