^

PSN Palaro

Grabe ang nilaro ng Perpetual Help

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Grabe ang inilaro ng Perpetual Help nung isang araw sa NCAA.

Ubod ng suwerte. Di mapigilan.

Resulta, nakauna nila ang leadership mula sa Mapua Cardinals na 3-1 na tuloy.

Lalo nang gumaganda ang labanan ngayon sa NCAA dahil sa halos lahat ng teams, puwera lang sa College of St. Benilde ay magkaka-dikit-dikit..
* * *
Nakaka- depress naman yung nangyari sa player ng Baguio Cardinals na kasali sa NBC.

Pagkatapos kumain, nasaksak at hayun, patay yung isa.

Nakakaawa naman.

At isa pa siya sa top players ng Baguio ha.

Nakikiramay kami sa mga naiwanan ni Ryan Ancheta.
* * *
Bakasyon grande ngayon ang maraming basketball players.

May mga teams kasi na hindi pa nagpa-practice hanggang ngayon.

Sa October pa kasi ang labanan.

Minsan lang sa isang taon makapag-bakasyon ng ganito ang mga players.
* * *
Sino sa tingin niyo ang papasok sa Final Four ng UAAP?

Sa opinion ko, sa ngayon ay ang FEU Tamaraws pa lang ang sigurado na makakapasok sa Final Four.

Yung iba, di ko pa alam.

Sa NCAA naman, lalong mahirap kasi dikit dikit na sila. Malayo pa at marami pang puwedeng mangyari.
* * *
Personal: Happy happy birthday to my mother, Mrs. Cris Gutierrez. Happy birthday na rin kay Julius Babao ng ABS- CBN Channel 2. at kay Mrs. Susan de Belen, ina nina Janice at Gelli.

BAGUIO CARDINALS

CENTER

COLLEGE OF ST. BENILDE

FINAL FOUR

JULIUS BABAO

MAPUA CARDINALS

MRS. CRIS GUTIERREZ

MRS. SUSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with