UAAP Basketball Tournament:Bulldogs pinagdiskitahan ng Green Archers
July 16, 2004 | 12:00am
Matapos mapahiya sa karibal na Ateneo, kaka-ibang De La Salle Green Archers ang nagpakita kahapon nang kanilang ilampaso ang National University, 60-40 sa pag-usad ng eliminations sa UAAP Basketball Tournament sa Araneta Coliseum kahapon.
Dinomina ng husto ng La Salle ang laban upang maisukbit ang kanilang unang panalo matapos igupo ng Blue Eagles noong Linggo, 72-75.
Sa simula pa lamang ng labanan, nagsimula nang umarangkada ang Archers nang kanilang isara ang unang quarter sa pamamagitan ng 20-6 kalamangan bago isara ang first half sa 42-23 bentahe.
Lalo pang lumaki ang bentahe ng La Salle nang kanilang limitahan sa 3-puntos lamang ang NU Bulldogs sa ikaapat na quarter kung saan may 1-of-14 field goal shooting lamang ang Nationals.
Ang pinakamalaking bentahe ng La Salle ay sa 60-37 bago maka-iskor ng kaisa-isang field goal ang Bulldogs mula kay Christopher Catamora sa huling apat na segundo ng labanan.
Umiskor ng double victory ang La Salle kahapon matapos ilampaso ng kanilang junior counter-parts na Greenies ang Bullpups, 85-57.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended