Makaraang makapasok sa Last 32 ang Asian snooker ace na si Manalo sa pamamagitan ng paghiya sa paboritong bayani ng mga Taiwanese na si Ching Shun Yang, 9-7 sa harap nang nanahimik na Taiwanese na manonood, biniktima naman niya ang kababayang si Bustamante, 9-5 sa last 32 upang itakda ang pakikipagtagpo kay Reyes na nagwagi naman kay European No. 1 Oliver Ortmann, 9-6.
Pumasok na rin sa round of 16 sina Rodolfo Luat at Dennis Orcullo para samahan ang kanilang kababayang sina Manalo at Reyes.
Isa na namang Taiwanese ang napahiya nang igupo ni Luat si Hsia, 9-2 habang pinatalsik ni Orcullo ang Russian prodigy na si Konstantin Stepanov, 9-5 para sa puwesto sa Last 16.
Limang Pinoy cue masters ang nakasalang sa Last 32 sa pangunguna nina Reyes, Bustamante at Rodolfo Boy Samson Luat kung saan ang huling laban ay natapos ng alas-3 ng madaling-araw ng Huwebes.
Bagamat madalas na winawagwag ang kanang kamay dahil sa nararamdamang sakit, muling nag-magic si Reyes sa panahon na kailangan niya at patalsikin si Dutchman Alex Lely, 9-5.
Sa kabilang dako, ang paborito para sa top prize na $75,000 na si Bus-tamante ay pinagpistahan si Danny Basavich, 9-2 para wakasan ang lop-sided na laban sa pamamagitan ng mahusay na 5-9 carom.
Nagnakaw ng eksena si Luat sa kanyang pagpasok sa tournament proper nang mula sa 3-7 pagkakabaon ay bumangon ito patungo sa 9-7 panalo kontra sa British snooker ace na si Steve Davis.
Ang bayani noong Miyerkules ay sina Ramil Gallego na muling buma-ngon mula sa panganib upang patalsikin si Ying Chieh Chien ng Chinese-Tapei, 9-7 at Manalo na pinataob ang paboritong bayani ng mga Taiwanese na si Yang sa harapan ng mga kababayan niya.
Nagpakita ng serye ng pantastikong jump shots, umuugong na nagbu-bunyi ang manonood makaraang maitala ni Yang ang 5-2 abante at nakipaghabulan sa 7-4. Ngunit hindi sumuko si Manalo nang limang sunod na racks ang hinakot nito na nagpatulala sa manonood.
Gayunpaman, ang panalong ito ay nagbigay ng mabigat na hamon kay Manalo kung saan makakaharap niya ang kababayang si Bustamante na magsisigurong may Pinoy na papasok sa quar-terfinals.
Si Lee Van Corteza, na pinatalsik ang isa pang paboritong Taiwanese at San Miguel Asian 9-Ball tour winner na si Yang, 5-2, ay hindi naman sinuwerte kay Thorsten Scho-ber, makaraang malasap ang 9-7 kabiguan sa labang natapos kahapon ng alas-3 ng madaling-araw. Gayundin si Warren Kiamco na yumuko naman kay Pei Wei Chang, 9-7. Isa pang impresibong panalo ang itinala ni Dennis Orcullo na unang nakapasok sa Last 32 nang igupo niya si Danny Harriman ng US.