Nasustina ang pakikibaka sa elimination phase ng $350,000 event, pinataob ni Dennis Orcullo ang Amerikanong si Danny Harriman, 9-3 at isaayos ang pakikipagtipan kay Taiwanese Wu Chia Ching, na pinabagsak naman ang Russian na si Konstantin Stephanov, 9-0.
Sa biglang pagbabago ng kapalaran, 11 sa 12 Pinoy ang nakapasok sa tournament proper kung saan si Orcullo ang Pinoy qualifier ay 7th at si Ramil Gallego na bumangon mula sa pagkakabaon para makapuwesto sa 62nd berth ng Last 64.
Ang one-sided na panalo ng 25 anyos na si Orcullo ang tumabon sa 9-4 kabiguan ng kababayang si Antonio Gabica kay Satoshi Kawabata ng Japan.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipagtumbukan pa sina dating world champion Efren Bata Reyes at world No. 1 Francisco Django Bustamante, kina Dutch Alex Lely at American Dan Basavich, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang Pinoy masters na kasalukuyang nakikipagtunggali ay sina Rodolfo Luat, Marlon Manalo, Antonio Lining, Lee Van Corteza, Gandy Valle, Warren Kiamco at Gallego.
Ang Philippines at ang host country ang may pinakamaraming entries sa Last 64 na may tig-11 bawat isa, bagamat karamihan sa Pinoy na kinabibilangan nina Reyes at Bustamante ay nasa lower bracket at inaasahang magtatagpo ang dalawa para sa outright sa Last 32 ng 16 stages.
At dahil wala na si Gabica sa eksena, tanging si Luat lamang ang naiwan sa upper bracket na pinamumunuan ni dating world champion Chang Fong Pang at defending champion Thorsten Hoh-mann ng Germany.
Ang mga laban ay live na isasa-ere sa STAR Sports simula alas-5 ng hapon kung saan ang semis naman ay sa ganap na alas-8;30 ng gabi sa July 17 at finals sa July 18 simula alas-9 ng gabi.