^

PSN Palaro

World Pool Championships: Pinoy cue masters nanalasa pa rin

-
Patuloy ang pananalasa ng Philippine delegation patungo sa penul-timate day ng elimination round ng World Pool Championships, kung saan ang top four players sa 16 na grupo ay kuwalipikado sa knockout round of 64 na magsisimula bukas.

At ang tanging Pinoy na malamang na agad mapatalsik matapos ma-bigo sa kanyang unang tatlong laban sa Group 1 ay si Ramil Gallego, na matapos ang nakapanghihinayang na kabiguan kay defending champion Thorsten Hohmann, 5-3 ay tila nawalan na ng gana.

Ang ibang pinapaborang Pinoy naman na mahihirapan sa pagpasok sa qualifying para sa knockout phase ay si Jose ‘Amang’ Parica, na nabigo sa unang dalawang laban, 4-5 bago nakipaglaban para makabalik nang daigin ang Group 16 lider na si Jorge Llanos ng Argentina, 5-2 at iginupo si Surathep Phoochalam ng Thailand, 5-2

Si Parica ay makikipaglaban sa lima pang manlalaro para sa nalala-bing tatlong slots sa kanyang grupo ngunit nahaharap sa mabigat na must-win situation kontra sa US Open champion na si Jeremy Jones ng US na lalaruin sa harap ng TV table.

Nagtakda ng pangunguna para sa mga Pinoy na may apat na sunod na panalo ay si Francisco ‘Django’ Bustamante.

Si Bustamante, na natalo sa emotional final kay Earl Strickland noong 2002 ay isa sa pangunahing paborito kasama ang hometown hero na si Ching Shun Yang, na matapos masilat ni Lee Van Corteza, 5-2 ay natalo din kay German Michael Schmidt, 5-3 at nahaharap sa mabigat na pressure bunga ng kanyang 2-2 baraha.

Walo pang manlalaro ang nanatiling walang talo matapos ang apat na laban na kinabibilangan nina dating World Pool Champions Mika Immonen at Fong Pang Chao.

Wala pa ring talo sina Strickland, Johnny Archer, kasalukuyang European No. 1 Oliver Ortmann at ang defending champion na si Hohmann gayundin ang three-time runner-up ng San Miguel Asian 9-Ball Tour na si Warren Kiamco at ang sopresang entry ng Chinese-Taipei na si Ying-Chieng Chen.

Nasa kontensiyon pa rin sina Antonio Lining, Dennis Orcullo, na ang tanging kabiguan ay kay Tony Drago at 1999 champion Efren ‘Bata’ Reyes.

Malaki rin ang tsansa nina Southeast Asian Games at Asian Games gold medalist Lee Van Corteza, na nanatiling walang talo matapos ang tatlong laban, snooker ace Marlon Manalo, na may 3-1 record matapos ang paninilat sa kanya ni Marco Tschudi ng Switzerland, 2-5, beteranong si Rodolfo Luat, na sorpresang natalo kay Malaysian Alan Tan, 4-5 matapos ang tatlong sunod na panalo.

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

BALL TOUR

CHING SHUN YANG

DENNIS ORCULLO

EARL STRICKLAND

EUROPEAN NO

FONG PANG CHAO

LEE VAN CORTEZA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with