^

PSN Palaro

Cagayan de Oro Grand kampeon sa Lifan 3-on-3 Grand finals

-
Ang mga manlalaro mula sa Cagayan de Oro ang siyang tinanghal na kauna-unahang grand champion ng Lifan Motorcycle National Junior 3-on-3 Challenge matapos na iposte ang makapigil hiningang 20-18 panalo laban sa Rizal Province kahapon sa town plaza ng Paete, Laguna.

Ang panalo ay nagkaloob sa Cagayan de Oro ng P10,000 bukod pa rito ang bagong Lifan Motorcycle para sa kanilang pagkakasubi ng korona.

Ngunit ang higit na mahalaga sa panalong ito ng Cagayan ay ang posibilidad na makuha ang ilang manlalaro ng Cagayan de Oro para ibilang sa national youth pool ng Basketball Association of the Philippines (BAP).

Nauna rito, humatak ang Cagayan de Oro ng upset na panalo kontra naman sa San Beda College sa semifinals upang makarating sa championship round.

Tumanggap naman ang second placer na Rizal ng P6,000 habang ang 3rd placer na San Beda at fourth-ranked Pangasinan ay pinagkalooban ng P4,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod .

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

LIFAN MOTORCYCLE

LIFAN MOTORCYCLE NATIONAL JUNIOR

NAUNA

NGUNIT

ORO

PAETE

RIZAL PROVINCE

SAN BEDA

SAN BEDA COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with