^

PSN Palaro

Bulldogs sinakmal ng Tigers, Archers dinaklot ng Eagles

-
Ang University of Santo Tomas ang ikatlong koponan nakapagtala ng pambuenamanong tagumpay nang padapain nito ang National University, 86-71, kahapon sa ikalawang araw ng 67th UAAP season sa Araneta Coliseum.

Sa ikalawang laro, tumikada si Larry Fonacier ng 21 puntos at isang malaking pagtakbo ang ginawa ng Ateneo de Manila University sa huling yugto upang hatakin ang 75-72 come-from-behind victory laban mortal nitong karibal na De La Salle U.

Umiskor din si LA Tenorio ng 15 puntos, 6 rebounds, at 6 assists habang 4 pang Blue Eagles ang nagrehistro ng 7 o higit pang puntos para agawin sa Green Archers ang tagumpay sa kabila ng pagkakabaon ng hanggang 15 puntos sa laro.

Sa laro naman ng UST, nagsanib ang mga PBL veteran na sina Christian Luanzon at Jemal Vizcarra sa pagkana ng pinagsamang 34 puntos, 16 rebounds at 3 assists upang banderahan ang Growling Tigers, na nagkaroon ng masamang pasimula subalit nagpakawala ng malaking pagratsada sa huling dalawang yugto upang iwanan ang tila kinapos na Bulldogs. (Ian Brion)

ANG UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

ARANETA COLISEUM

BLUE EAGLES

CHRISTIAN LUANZON

DE LA SALLE U

GREEN ARCHERS

GROWLING TIGERS

IAN BRION

JEMAL VIZCARRA

LARRY FONACIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with