^

PSN Palaro

4 na bagong sports sali sa Doha Asian Games

-
Apat na bagong sports ang madadagdag sa kalendaryo ng 2006 Doha Asian Games para sa kabuuang 40 sports event na paglalabanan at ang pinakamalaki sa 53-taong kasaysayan ng nasabing quadrennial meet.

Ito ang ipinahayag kamakalawa ni Philippine Olympic Commitee (POC) president Celso Dayrit matapos ang kanyang pagbisita sa Qatar kung saan siya ay dumalo ng Olympic Council of Asia meeting noong nakaraang linggo.

Ang naturang apat na disciplines na magde-debut sa pagtatanghal ng ika-14th edisyon ng nasabing Games ay ang chess, triathlon, cricket at ang seven-side rugby.

Idinagdag rin ni Dayrit na binawasan ang bilang ng mga medalya sa 411 na lamang." I cannot remember how many medals where contested in the last Games, but what I can assure is that in 2006, it will be lesser," wika ni Dayrit.

Matatandaan na noong nakalipas na Busan Asian Games na ginanap sa South Korea may dalawang taon na ang nakakalipas, mayroon lamang 36 sports disciplines ang pinaglabanan at siyang mananatili sa listahan ng sports event sa nasabing quadrennial meet.

Ang mga nalalabing event ay ang aquatics (swimming, water polo at diving),archery, athletics, badminton, bowling, basketball, body building, baseball, boxing canoe-kayak, cue sports (billiards and snooker), cycling (walang velodrome events), equestrians, fencing football, golf gymnastics, handball, judo, hockey, kabaddi, karatedo, rowing, sailing, sepak takraw, shooting, women’s softball, soft tennis, squash, table tennis, taekwondo, lawn tennis, volleyball, weighlifting, wrestling at wushu.

Ang nasabing assembly ay idinaos sa Doha kung saan inaprobahan din ang lugar ng Guangzhou bilang site ng 15th Asian Games sa 2101 at nanalo naman ang Chong-chun sa kanilang bidding upang maging punong-abala sa asian winter Games sa taong 2008.

Ayon kay Dayrit ang pagkakasama ng larong chess at triathlon ang siyang magpapalakas sa kampanya ng Philippines sa kanilang paghahanap ng mga medalya dahil sa taglay na kahusayan ng mga Pinoy chessers at triathletes buikod pa sa kanilang pagiging angat sa antas ng kompetisyon sa hanay ng Asian regions.

APAT

ASIAN GAMES

AYON

BUSAN ASIAN GAMES

CELSO DAYRIT

DAYRIT

DOHA ASIAN GAMES

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITEE

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with