^

PSN Palaro

UAAP 67th season di-dribol ngayon

-
Sisimulan na ng Far Eastern University ang pagtahak sa tila mahirap na daan patungo sa matagumpay nilang pag-tatanggol ng titulo ngayon sa opisyal na pagbubukas ng 67th UAAP season sa Araneta Coliseum.

Tangan ang reputasyon bilang "team-to-beat" at armado ng intensi-bong preparasyon, ang FEU ay sasagupa kontra sa University of East sa labang inisyal na susukat sa kakayahan ng Tamaraws na mapanatili sa kanilang kampo ang koronang sinungkit nila noong isang taon.

Ang laban ay itinakda sa ganap na ika-4 ng hapon matapos ang pag-haharap ng University of the Philippines at Adamson University sa unang sultada sa alas-dos ng hapon.

Bago ang mga laro isang maikli subalit makulay at naiiba sa nakaga-wiang tradisyong opening ceremonies ang magaganap sa pangunguna ng host De La Salle Univer-sity.

Bilang paghahanda sa kanilang "back-to-back title drive", ang Tamaraws ay lumahok sa iba’t ibang off-season tournament, partikular sa PBL kung saan, gamit ang pangalang Viva Mineral Water, ay kinuha nila ang titulo ng 2004 Unity Cup.

Ang Warriors ay aasa sa pamamatnubay ng baguhang coach na si Dindo Pumaren.

Samantala, isa pang binibigyan ng mataas na pagtingin sa season na ito ay ang Adamson.

Tinaguriang isa sa mga "whipping boys" ng liga haharapin nila ang UP, na hindi gaanong ikinukunsidera bilang contender subalit may kakayahan ding humatak ng malalaking sorpresa.

Sa Juniors, magtitipan ang University of Santo Tomas Tiger Cubs at UE Pages sa ganap na alas-6 ng gabi. (Ulat ni IAN BRION)

ADAMSON UNIVERSITY

ANG WARRIORS

ARANETA COLISEUM

DE LA SALLE UNIVER

DINDO PUMAREN

FAR EASTERN UNIVERSITY

SA JUNIORS

TAMARAWS

UNITY CUP

UNIVERSITY OF EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with