Noong nakaraang Martes, pormal nang natanggap ng Philippine Amateur Swimming Association (PASA) ang kumpirmasyon mula sa International Swimming Federation na nagpapatunay na si Walsh ay nakapasa sa itinakdang Olympic qualifying rounds na siyang nagkaloob sa kanya ng ticket patungong Athens, Greece na sinuportahan rin ng isang U.S.-based Pinoy swimmer ang nasabing kumpirmasyon.
Base sa ipinadalang faxed message ng FINA sa PASA, sinasabi na ang 17-gulang na si Walsh ay lumangoy ng dalawang minuto at 04.3 segundo sa 200-meter butterfly sa dinaos na pre-Olympic qualifying competition sa Charlotte, North Carolina.
Ang nasabing oras ang tumabon sa 2:04.56 sa Group B na nagbigay kay Walsh ng karapatan na kumampanya para sa bandila ng Pilipinas sa nasabing quadrennial meet.
Si Walsh ang ikatlong tankers na magtatangkang makapagbigay ng inaasam na gintong medalya sa Olympiyada maliban sa mga nauna ng nagkuwali-pikang sina Miguel Mendoza at Miguel Molina.
At dahil sa pagkakasama ng Fim-Am tanker, umabot na sa kabuuang 14 atleta ang sasabak sa Olympics Games sa Agosto 13-29.