^

PSN Palaro

Fil-Am tanker sama sa Athens Olympics

-
Gaya ng inaasahan, may panibagong pag-asa ang nakikita ng bansa para sa paghananap ng mailap na gintong medalya sa Olympics at ang pag-asang ito ay bibigyang katuparan ng isang Fil-Am tanker na si James Bernard Walsh matapos na ganap ng mapasama sa Philip-pines contingent makaraang maisumite na nito ang mga kinakailangang dokumento na hinihintay ni Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit.

Noong nakaraang Martes, pormal nang natanggap ng Philippine Amateur Swimming Association (PASA) ang kumpirmasyon mula sa International Swimming Federation na nagpapatunay na si Walsh ay nakapasa sa itinakdang Olympic qualifying rounds na siyang nagkaloob sa kanya ng ticket patungong Athens, Greece na sinuportahan rin ng isang U.S.-based Pinoy swimmer ang nasabing kumpirmasyon.

Base sa ipinadalang faxed message ng FINA sa PASA, sinasabi na ang 17-gulang na si Walsh ay lumangoy ng dalawang minuto at 04.3 segundo sa 200-meter butterfly sa dinaos na pre-Olympic qualifying competition sa Charlotte, North Carolina.

Ang nasabing oras ang tumabon sa 2:04.56 sa Group B na nagbigay kay Walsh ng karapatan na kumampanya para sa bandila ng Pilipinas sa nasabing quadrennial meet.

Si Walsh ang ikatlong tankers na magtatangkang makapagbigay ng inaasam na gintong medalya sa Olympiyada maliban sa mga nauna ng nagkuwali-pikang sina Miguel Mendoza at Miguel Molina.

At dahil sa pagkakasama ng Fim-Am tanker, umabot na sa kabuuang 14 atleta ang sasabak sa Olympics Games sa Agosto 13-29.

CELSO DAYRIT

GROUP B

INTERNATIONAL SWIMMING FEDERATION

JAMES BERNARD WALSH

MIGUEL MENDOZA

MIGUEL MOLINA

NORTH CAROLINA

OLYMPICS GAMES

PHILIPPINE AMATEUR SWIMMING ASSOCIATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with