Hindi magkamayaw sa tuwa si Dennis Orcullo matapos makamit ang ikasiyam at penultimate qualifier makaraang magwagi ito sa kalabang Taiwanese na si Kun Fang Lee sa makapigil-hiningang 9-8 iskor.
Masayang inihagis ng 25 anyos na si Orcullo ang kanyang cue matapos ipasok ang winning 9-ball sa harap mismo ng mga Taiwanese fans na sumu-suporta sa kanilang kababayan.
Sinuwerte naman si Gandy Valle, dahil nakapasok ito sa main draw bilang kapalit ng Amerikanong si Frank Alvarez na hindi makakarating dahil may sakit.
Samantala, nakatakda namang makipagharap sa kani-kanilang kalaban ang top two seeded players na sina Francisco "Django" Bustamante at hometown hero na si Ching-shun Yang.
Makakalaban ni Bus-tamante si Pei-Wei Chang sa Group 7 match habang ang batang SEA Games at Asian Games gold medalist na si Lee Van Corteza ay makikipagpa-litan ng tako kay Yang, ang No. 1 sa Group 4 at pinili ng mga eskperto bilang man to beat.
Ang hostilidad nga-yong araw ay inaasahang magiging mainit sa pagi-tan ng mga mahuhusay na player ng Asya mata-pos ang ilang mainit na insidente sa pagitan ng mga Taiwanese fans na tinangkang istorbohin ang diskarte ni Antonio Gabica sa final rack ng kanyang laban kay Chun-Chiang Liu kung saan napagwagian ng Pinoy ang laban 9-6 upang makasama sina Rodolfo Luat, Antonio Lining at Marlon Manalo na nanaig din sa kanilang kalabang Taiwanese para makaabot sa main draw.
Sa kauna-unahang pagkakataon masasaksihan ng mga Filipino pool fans ang laban sa prestihiyosong torneo na ito ng libre sa telebisyon sa pakikipag-tulungan ng NBN-4 sa ESPN simula alas-12 ng tanghali ngayon.
Mapapanood ng mga fans ang laban ni "The Magician" Efren "Bata" Reyes, ang 1999 World Pool Champion, ang aksiyon sa TV table sa Martes sa kanyang pakikipaglaban kay Tony Drago ng Malta habang ang soft-spoken na si Warren Kiamco ay makikipag-palitan ng sargo kay 2000 champion Fong Pang Chao.