Ang Nationals ay pangungunahan nina SEA Games veterans Dennis Madrid, Celino Cruz, Ricky Calimag, Richard Melencio, Mark Magsumbol at Ralph Rivera. Kasama din sa lineup ang mga bagong tuklas na sina Eder John Sadua at Gerry Cavan at 69 Samigue Eman ng Davao, Ephraim Torio at Jayson Tiongson ng Baguio City at Don Rez Villamin. Sina Eman, Sadua, Cavan, Torio at Tiongson ay produkto ng "Tryout ng Bayan," ang talent search at identification program ng Basketball Association of the Philippines na ginanap sa kooperasyon ng Cebuana Lhuillier.
Si coach Dong Vergeire ang gigiya sa team kasa-ma ang mga assistant coach na sina Boysie Zamar at Arsenio Dysangco. Makakasama din sa biyahe sa Taiwan sina Jean Henri Lhuillier, head ng delegation; Daniel Francisco, team manager at Jose Miguel Jimenez, team leader.
Inaasahang mahigpit na makakalaban ng Pinoy ang mga teams mula sa Qatar, Japan, Russia, Korea All-Stars, New Zealand, Australia at host team Taiwan, na kinatawan ng Taiwan Young Mens Team. Pinaya-gan ang Pinoy na maglagay ng import ngunit nagdesisyon ang RP Team na mag-all Pinoy upang masubukan agad ang kanilang hinahasang manlalaro.