^

PSN Palaro

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

-
UAAP PREVIEW: FEU Tamaraws Pinakamatagumpay Na Team
Matapos ilipad ang sarili sa lupang pangako noong 2002, ang Ateneo de Manila University ay muling bumagsak sa pagiging mortal noong isang taon nang suwagin sila ng Far Eastern University sa kanilang pagtutuos sa kampeonato.

Sa kanilang pagpalaot sa 67th UAAP season basketball tournament, na opisyal nang mag-uumpisa bukas sa Araneta Coliseum, ang Blue Eagles ay wala nang Rich Alvarez at Wesley Gonzales --ang dalawang manlalarong namuno sa kanila sa mga nakalipas na taon, upang sandigan subalit nananatili pa rin sila bilang isa sa mga pwersang dapat bantayan.

Ang two-time MVP na si Alvarez at 2002 Finals Best Player na si Gonzales ay kapwa nagsipagtapos na ng pag-aaral at kasalukuyan nang kumakampanya sa propesyunal na liga.

Dahil dito, ang responsibilidad na pangunahan ang Loyola-based squad ay nasa kamay na ngayon ng mga natitirang miyembro ng 2002 champiom team at ito ay sina Larry Fonacier, Lewis Alfred Tenorio, at Paolo Bugia.

Isa ring malaking pagbabago sa asul na tropa ay ang pag-akyat ni Sandy Arespacochaga bilang bagong head coach kapalit ni Joel Banal, na gaya nina Alvarez at Gonzales ay sumampa na rin sa PBA.

"Malaki talaga yung nawala sa amin. Pero wala kaming magagawa. We still have to do our best and everybody has to step up in order for us to achieve our goal, which, primarily, is just to get into the final four," wika ni Arespacochaga, na bago hinirang sa kanyang pwesto ay nagsilbi munang manla-laro at assistant coach ng koponan sa mahigit isang dekada.

Bukod kina Fonacier, Tenorio at Bugia, ang iba pang naatasang mamuno sa Blue Eagles ay sina JC Intal, Macky Escalona, Badjie Del Rosario, Doug Kramer, at Magnum Membrere.

Ang iba pang kasapi sa koponan ay sina Christopher Tiu, Claiford Arao, Johan Uichico at ang mga rookie na sina Ken Barracoso, Yuri Escueta, 6’7 Japeth Aguilar, at 6’4 Fil-Nigerian Jobe Nkemakolem.

"I just hope na mag-gel agad yung team nang ma-aga, especially yung mga rookies," ani Arespacochaga.
Far Eastern University
Sila na marahil ang pinakamatagumpay na collegiate team sa bansa ngayon.

At tila wala pa ring makakapigil sa pagratsada ng Far Eastern University, na sa pagbubukas ng 67th UAAP season ay isa sa ikinukun-siderang team-to-beat at pinakapaboritong magkamit ng pinakamimithing titulo ng pinakaprestihiyosong ligang pangkolehiyo sa bansa.

"It is safe for the other teams to say that we are the team-to-beat dahil kami ang defending champion, andito pa rin yung ibang players that lead us last year, at may PBL experience kami. But you have to look at the fact na lahat sila eh nagpalakas that’s why I believe that this season will be much tougher for us than last year," paliwa-nag ni Tamaraws coach Koy Banal, na siyang gumabay sa koponan sa pagtighaw nito sa 5 taong pagkauhaw sa korona.

Wala na sina Gerard Jones, Raghnee Sinco, Cesar Catli, James Razon at Jay Sierra subalit nariyan pa rin sina Arwind Santos, Denok Miranda at Mark Isip para pangunahan ang misyong mapanatili sa Morayta ang titulo.

"Malaki din yung nawala sa amin, especially si Ge (Jones). Yung kanyang leadership. But I’m still happy with the composition of our team," wika pa ni Banal.

Ang iba pang miyembro ng 2003 title squad na nagbabalik sa kampanyang ito ay sina RJ Rizada, Jeff Chan, Don Yabut, Cyril San-tiago, at Francis Barcellano habang nagbabalik naman matapos ang isang taong pagliban nina Jed Cutler at Jobim Garcia.

Sina Paul Flores, Roser Mangahas, Jonathan Babilonia, John Ross dela Cruz, Marlon Adolfo at Jerome Villanueva ang siyang mga baguhang Tamaraws.

vuukle comment

ALVAREZ

ARANETA COLISEUM

ARESPACOCHAGA

ARWIND SANTOS

BADJIE DEL ROSARIO

BLUE EAGLES

BUT I

FAR EASTERN UNIVERSITY

SINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with