80th NCAA Season: Unang panalo target ng Stags
July 9, 2004 | 12:00am
Ang pambuenamanong panalo ang asam ng San Sebastian College-Recoletos habang ang makalapit pa sa liderato ang nais ng Colegio de San Juan de Letran sa magkahiwalay nilang pagsabak ngayon sa pagpapatuloy ng 80th NCAA season basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Sila ay pinakamatagumpay na koponan sa mga nakalipas na taon, kung saan kanilang inuwi ang 7 sa huling 13 titulo ng liga. Subalit ang Stags ay nasa hindi pamilyar na lugar ngayon matapos nilang mabigo sa unang dalawa nilang laro, na naglugmok sa kanila sa ilalim ng liderato.
Ang Recto-based dribblers na ito ay sinilat ng San Beda College, 76-68, noong opening day at pagkatapos ay nakatamo ng 71-65 pagyuko sa University of Perpetual Help Dalta System noong nakaraang Biyernes.
Pangunahing dahilan sa miseridad na ito ay ang masamang performance ng mga pangunahing manlalarong sina Leo Najorda, Chris Baluyot at Nicole Uy, na nag-iwan kina Pep Moore at Red Vicente para kargahin ang scoring load ng koponan at ang kanilang ipinapakita ay hindi sapat upang maiangat ang Stags sa tagumpay.
Ang kanilang haharapin na PCU, sa kabilang banda, ay nasa magan-dang takbo ang kampanya. Matapos mabigo sa inisyal na asignatura, ang Dolphins ay nagposte ng 68-66 paglusot sa St. Benilde, na sinundan nila ng 55-42 paglampaso sa San Beda upang itaas sa 2-1 ang kanilang karta, isang laro sa likod ng nangungunang Mapua Tech na may malinis na 3-0 rekord.
Samantala, ang Knights naman ay magtatangkang sundan ang 70-55 tagumpay kontra sa Red Lions at mapalawig ang kanilang 2-1 marka.
Sila ay makikipagtagisan sa Jose Rizal Uni-versity, na magtatangka namang arestuhin ang nararanasang 2-game slide, na nagbagsak sa kanilang karta sa 1-2.
Sa Juniors, magtatag-po ang PCU Baby Dolphins at San Sebastians Staglets sa ika-11 ng umaga habang titipanin ng Letran Squires ang Jose Rizal Light Bombers sa alas-6 ng gabi. (Ulat ni IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended