^

PSN Palaro

Mahuhusay na badminton talent pinagsama-sama sa JVC tourney

-
Pinagsama-sama ng JVC Open Badminton Championships ang pinakamahuhusay na badminton talents na binuo sa corporate level sa pangunguna ng powerhouse AB Leisure, PLDT at Meralco bilang team to beat sa pagtatanghal na event sa July 11 na ang qualifying round ay gaganapin sa Powersmash.

May kabuuang 24 mula sa pangunahing kompanya sa bansa ang lalaro sa corporate division, isa sa anim na events na nakalinya sa pagdaraos ng pinakamalaki at prestihiyosong badminton tournament na itinataguyod ng JVC. Lalaruin din ang centerpiece elite division, veterans, juniors celebrity at school team events.

May kabuuang P70,000 ang premyong nakalaan para sa corporate category kung saan ang kampeon ay tatanggap ng P30,000. Inaasahang hahadlang sa landas ng AB Leisure, PLDT at Meralco ay ang Pilipinas Shell, Philamlife, Del Monte, RCBC, Ford, Asian Development Bank, HSBC, JG Summit at Alaska. Kukumpleto sa cast ng corporate ay ang JVC Phils., Manila Bulletin, Chowking, Union Cement, New Zealand Milk Products, Jollibee, Citibank, Fujitsu, Shell Chemicals, Total, Prudential Life at The Philippine STAR.

Ang tournament proper ay nakatakda sa July 18-25 sa pagdaraos ng quarterfinal round sa Glorieta Activity Center sa Makati City kung saan may nakatayang P30,000 sa men’s, women’s at ladies singles sa elite category.

ASIAN DEVELOPMENT BANK

DEL MONTE

GLORIETA ACTIVITY CENTER

MAKATI CITY

MANILA BULLETIN

MERALCO

NEW ZEALAND MILK PRODUCTS

OPEN BADMINTON CHAMPIONSHIPS

PILIPINAS SHELL

PRUDENTIAL LIFE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with