^

PSN Palaro

UAAP PREVIEW: Magkapatid na Pumaren umaasa

-
DE LA SALLE UNIVERSITY -Matapos ang 9 na sunod na pagbiyahe sa kampeonato, ang De La Salle University ay nakalasap ng humilasyon noong isang taon nang pumang-apat lang sila matapos ang eliminasyon at napatalsik sa Final Four.

Kaya naman, ang makabalik sa huling sayaw at maipagpatuloy ang mayamang tradisyon sa pananalo ang siyang pangunahing misyon ng Green Archers sa pagsabak nila sa 67th UAAP season basketball tournament na mag-uumpisa na ng aksyon sa Sabado sa Araneta Coliseum.

Gamit ang tropang puno ng mga bagito at salat pa sa karana-sang manlalaro, ang Archers ay nagkaroon ng magandang pasi-mula noong isang taong subalit kinapos sa krusyal na bahagi ng eliminasyon, kung saan tumapos lang sila na may 7 panalo at ganoon ding dami ng kabiguan.

Sa semis, nakaharap ng La Salle ang matindi nilang karibal na Ateneo, na siyang top seed at may twice-to-beat na bentahe. Baga-mat ginapi nila ang Eagles sa unang laro ay hindi nila ito naulit sa kasunod na do-or-die match dahilan upang hindi sila makapa-sok sa finals sa unang pagkakataon mula nang ipatupad ng liga ang "final four format" noong 1994.

Subalit maliban sa dalawang manlalaro na nagsipagtapos na ng pag-aaral, ang koponan ni coach Franz Pumaren ay nanatiling buo at dumaan sa intensibong pagha-handa upang masigurong kanilang maisasakatuparan ang misyong makabalik sa trono na niluklukan nila ng 4 na sunod na taon mula noong 1998. Ito ang dahilan kung bakit isa ang Archers sa itinuturing na paborito sa season na ito.

Ang 2003 top scorer na si Mark Cardona ang siya pa ring pangunahing pagkukunan ng opensa ng Taft-based dribblers, at siya ay susuportahan ni Joseph Yeo kasama ang mga sophomore na sina Gerwin Gaco, J-Vee Casio at Ryan Arana.

Kasali rin sa tropa sina Jun-jun Cabatu, Arthur Walsham, Tim Gat-chalian, Cholo Villanueva, TY Tang, JR Aquino, Mark Benitez, Mike Gavino, Oliver Cua, at ang mga rookie na sina Mike Galinato at Rico Maierhofer.

UNIVERSITY OF THE EAST -
Sa pangunguna ng tambalang James Yap at Paul Artadi, ang University of the East ay nagposte ng magandang rekord sa elimi-nasyon, kung saan tumapos sila na may tournament-best 11 pana-lo at 3 talo, katabla ng Ateneo at FEU.

Subalit dahil mas mababa ang kanilang quotient, at sila ay nabigo sa FEU sa playoff match, ang Red Warriors ay nagkasya lamang bilang third seed pagpasok sa Final Four, kung saan nakaharap muli nila ang Tamaraws, na agad silang dinispatsa bago umabante sa kampeonato kung saan pinabagsak nila ang Blue Eagles para angkinin ang titulo.

Ang Red Warriors ay nasa pamamatnubay na ngayon ng dating PBA player na si Dindo "the Bullet" Pumaren, na sa unang pag-kakataon ay magiging coach ng isang koponan.

"I’m just a rookie coach and most of my players are new, so walang masyadong expectations this season. We will just start rebuilding. Siguro next year pala-ban na kami," ani Pumaren.

Ang Recto-based squad ay mayroon na lamang apat na beteranong manlalaro, tatlong sophomore at 9 na rookie.

Sina KG Canaleta, RJ Mas-bang, at Paolo Hubalde, na kapwa nasa huling taon ng paglalaro sa liga, ang siyang inaasahang mamumuno sa tropa, na huling nagkampeon noong 1985.

Ang iba pang miyembro ng 2004 Red Warriors ay sina Rob Labagala, Louie Pradas, Eric Suguitan, Paolo Napo, mga bagu-hang sina Hezy Acuna, Raymond Leyga, Luis Palaganas, Earl Saquindel, Romel Dizon, Marcelino Arellano, Enrico Lopez, Nicasio Tamayo at Marco Tabaquero. (IB)

ANG RECTO

ANG RED WARRIORS

ARANETA COLISEUM

ARTHUR WALSHAM

ATENEO

BLUE EAGLES

CHOLO VILLANUEVA

DE LA SALLE UNIVERSITY

FINAL FOUR

RED WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with