Seigle,Ildefonso di makakalaro sa All-Star

Hindi makakalaro sa All-Star Game ang San Miguel Beer forward na si Danny Seigle bagamat siya ang rumaratsada sa botohan ng mga fans para sa All-Star Game na gaganapin sa Cebu City sa Agosto 15.

Si Seigle, na kumulekta ng kabuuang 223,009 votes at hindi nakalaro sa buong 2003 season dahil sa kanyang naoperahang achilles tendon, ay kailangang magpahinga bunga ng kanyang injury.

Kabilang si Seigle sa South Team na makakasama din sina Eric Menk ng Ginebra, Asi Taulava at Jimmy Alapag ng Talk N Text at rookie James Yap ng Purefoods.

Katulad ni Seigle, si Danny Ildefonso na kabilang naman sa North Team ay hindi rin makakasama bagamat kabilang din ito sa may pinakamaraming boto.

Kailangang magpahinga nina Seigle at Ildefonso sa kanilang injury ng anim na linggo para agad marehabilitate kaya’t wala na silang panahong makasama sa ensayo ng kani-kanilang team.

Kasama ni Ildefonso sa North Team na ibinoto ng mga fans sina Romel Adducul ng Ginebra, Vergel Meneses ng FedEx, Olsen Racela ng San Miguel at Purefoods rookie Paul Artadi.

Dahil dito, papalitan ni top draft pick Rich Alvarez si Ildefonso sa North squad habang si Kenneth Duremdes ng Sta. Lucia naman ang papalit kay Seigle sa South.

Si Meneses ay pumapangalawa sa botohan sa kanyang naipon na 141,721 votes kasunod si Racela na may 133,107, Artadi na may 121,095, Menk 117-390, Alapag 106,694, Taulava 88,054, Yap 81,953 Ildefonso 73,485 at Adducul 52,847.

Ang dalawang finalists na coach sa Fiesta Confe-rence na sina Yeng Guiao ng Red Bull at Siot Tanquingcen ng Barangay Ginebra ang gigiya sa All-Star ngunit hindi pa alam kung kanino ang north at south.

Sina Guiao at Tanquingcen ang pipili ng pitong pang players para kumpletuhin ang roster ng koponang itatalaga sa kanila.

Show comments