^

PSN Palaro

Gabica umusad sa World Pool Championship

-
Malinis na landas ang tinahak ni Antonio Gabica ang daan patungo sa World Pool Champion-ships nang magwagi ito sa Taipei qualifying round patungo sa main draw upang samahan ang tatlo pang kababayan. Tinalo ni Gabica si Chun-Chiang Liu ng Taiwan, 9-6 upang makuha ang huling nalalabing puwesto sa Group 7 upang samahan ang mga naunang qualifiers na sina Marlon Manalo, Rodolfo Luat at Antonio Lining.

Pigil-hininga ang 31 anyos na manlalaro mula sa Cebu City sa final nang magtangkang bumangon ang Taiwanese ngunit nawalan ng kontrol sa krusiyal na oras na nagbigay daan kay Gabica ng panalo.

Unang tinalo ni Gabica ang kababayang si Leonardo Andam, bago isinu-nod si So Shariari, sa kanyang laban sa semis.

"I’m happy to qualify because this is a difficult competition," ani Gabica. "It’s not good when things happen like at the end-- it’s bad sportsmanship from the crowd and it makes it hard to concentrate," patungkol ni Gabica sa hindi makontrol na manonood na nagtatangkang sirain ang kanyang konsentrasyon.

Samantala, dumalaw ang limang Pinoy cue masters sa pangunguna ni Efren ‘Bata" Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagpabaon ng ‘good luck’ sa mga miyembro ng Philippine contingent sa kanilang pakikipaglaban sa mga pangunahing cue artist ng mundo sa nakatakdang World Pool Championship sa July 10-21 sa Taipei, Taiwan.

"Our champions, congratulations and good luck," anang Pangulo sa limang Pinoy pool artists na dumalaw sa kanya sa Music Room sa Malakanyang kahapon.

Kasama din nina Reyes at Bustamante, sina Warren Kiamco, Lee Van Corteza at Ramil ‘Bebeng’ Gallego.

Umaasa ang Pangulo na muling iuuwi ng mga Pinoy players ang kara-ngalan para sa bansa.

"Sinabi din ng Pangulo na sapat lamang na bigyan ng kahalagahan ang billiards bilang sports dahil ayon sa kanya, mayroon tayong de kalibreng world class na manlalaro at ang naturang laro ay isang ‘natural sports’ para sa mga Pinoy. Maging ang kanyang amang si dating Pangulong Diosdado Macapagal ay naglaro din nito bilang relaxation.

"I hope our young Filipinos can reach your height," wika ng Pangulo sa limang cue artists.

ANTONIO GABICA

ANTONIO LINING

BUSTAMANTE

CEBU CITY

CHUN-CHIANG LIU

GABICA

LEE VAN CORTEZA

PANGULO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with