Sa dalawang araw na kumpetsiyon sa swimming Center noong Huwebes at Biyernes, humakot ang St. Jude Green Mariners ng 38-gold medals, 37-silvers at 35 bronzes.
Pinangunahan ng 10-anyos na si Jacquelyn Go ang kampanya ng St. Jude mula sa San Miguel sa pagsubi ng tatlong golds mula sa 25-meter freestyle, backstroke at breaststrokes.
Sapat na ang produksiyong ito para mapanatili ang No. 1 standing kasunod ang Dr. Albert Elementary School na humakot ng limang golds sa athletics competition kahapon, tatlo nito ay galing kay Emerlyn Illescas.
Ang 14-anyos na si Illescas ay naka-gold sa century dash, high jump at triple jump dagdag sa kanyang unang dalawang golds mula sa long jump at 400-m run para sa kabuuang 160-golds, 13-silvers at 14-bronzes ng Dr. Albert.
Ikatlo naman ang Youth Development Welfare Bureau II na may 14-10-4 gold-silver-bronze.
Sa pagtatapos ng tennis competition, dinomina naman ito ng kabataan ng Maynila District IV sa pangunguna nina Zhane Quitara at Marvin Serito.
Nagkampeon si Quitara sa 12-under singles, doubles at team event habang si Serito ay naghari naman sa 15-under singles, doubles at team event.
Dinomina rin ng Cheng Hua-Tondo ang 15-under, 12-under at 10-under category.
Nagsubi naman ang Legarda Elementary School ng tatlong gold sa badminton competition at dalawa sa Pagsanjan.