Nagrally ang University of Santo Tomas mula sa first set na kabiguan nang tapusin nila ang La Salle, 18-25, 25-22, 25-13, 25-20, kahapon upang makopo ang Shakeys V-League crown sa harap ng maingay at maraming crowd sa Intramuros, kahapon.
Pangunahing source ng lakas ng Tigress ay si Mary Jean Balse nang bugbugin nito ang Lady Archers sa sunud-sunod na kills na humatak sa España-based belles na ma-sweep ang event na ito na itinataguyod ng Shakeys at suportado din ng Mikasa at Accel.
Matapos lumabas ang spike ni Ivory Ablig ng La Salle, bumuo ng bilog sa loob ng court ang Tigress habang nag-aabang naman ang iba sa sidelines.
Si Balse, rookie transferee mula sa Davao, ay nagtapos na may 25 puntos na ang 20 nito ay mula sa atake na naging sapat para makuha niya ang Most Valuable Player trophy.
Ngunit higit na matamis ang panalo para kay Joyce Pano, na nag-graduate na sa UST pero hindi nakatikim ng UAAP title sa loob ng apat na taon niya sa pontifical school.
Ang La Salle na umaasang maitabla ang serye para makapuwersa ng deciding Game Three ay maagang nagtrabaho nang ipakita ni skipper Maureen Penetrante ang kanyang lakas sa net.
Nakuha ng Taft-based spikers ang momentum hanggang ikalawang set sa iskor na 9-8.
Ngunit iyon na ang huling pagpapakita ng La Salle nang mag-set si Balse sa gitna na nagpahirap sa Lady Archers.
Samantala, tinanghal na top receiver si Kate Co Yu Kang ng UST, na kasama sa national squad na lumalahok sa Princess Cup sa Thailand, habang si Pano naman ang tinanghal na best server award.
Ang iba pang awardees ay sina San Sebastians Angela Descalsota (scorer), Lyceums Maria Angelica Bigcas (attacker), La Salles Maureen Penetrante (blocker), La Salles Shermain Miles Penano (digger) at Reiea Ferina Saet (setter).