^

PSN Palaro

UST Tigress kampeon

-
Hindi nabigo ang mga volleyball fans na dumayo sa Lyceum Gym kung saan inaasahang makakapanood sila ng klasikong laban sa pagitan ng dalawang pinakamahuhusay na collegiate teams sa bansa. At masaya silang umuwi.

Nagrally ang University of Santo Tomas mula sa first set na kabiguan nang tapusin nila ang La Salle, 18-25, 25-22, 25-13, 25-20, kahapon upang makopo ang Shakey’s V-League crown sa harap ng maingay at maraming crowd sa Intramuros, kahapon.

Pangunahing source ng lakas ng Tigress ay si Mary Jean Balse nang bugbugin nito ang Lady Archers sa sunud-sunod na kills na humatak sa España-based belles na ma-sweep ang event na ito na itinataguyod ng Shakey’s at suportado din ng Mikasa at Accel.

Matapos lumabas ang spike ni Ivory Ablig ng La Salle, bumuo ng bilog sa loob ng court ang Tigress habang nag-aabang naman ang iba sa sidelines.

Si Balse, rookie transferee mula sa Davao, ay nagtapos na may 25 puntos na ang 20 nito ay mula sa atake na naging sapat para makuha niya ang Most Valuable Player trophy.

Ngunit higit na matamis ang panalo para kay Joyce Pano, na nag-graduate na sa UST pero hindi nakatikim ng UAAP title sa loob ng apat na taon niya sa pontifical school.

Ang La Salle na umaasang maitabla ang serye para makapuwersa ng deciding Game Three ay maagang nagtrabaho nang ipakita ni skipper Maureen Penetrante ang kanyang lakas sa net.

Nakuha ng Taft-based spikers ang momentum hanggang ikalawang set sa iskor na 9-8.

Ngunit iyon na ang huling pagpapakita ng La Salle nang mag-set si Balse sa gitna na nagpahirap sa Lady Archers.

Samantala, tinanghal na top receiver si Kate Co Yu Kang ng UST, na kasama sa national squad na lumalahok sa Princess Cup sa Thailand, habang si Pano naman ang tinanghal na best server award.

Ang iba pang awardees ay sina San Sebastian’s Angela Descalsota (scorer), Lyceum’s Maria Angelica Bigcas (attacker), La Salle’s Maureen Penetrante (blocker), La Salle’s Shermain Miles Penano (digger) at Reiea Ferina Saet (setter).

vuukle comment

ANG LA SALLE

ANGELA DESCALSOTA

GAME THREE

IVORY ABLIG

JOYCE PANO

KATE CO YU KANG

LA SALLE

LADY ARCHERS

LYCEUM GYM

MAUREEN PENETRANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with