^

PSN Palaro

PINAKAMALUNGKOT NA SPORTS

GAME NA! - Bill Velasco -
Kinapanayam ng inyong lingkod ang apat na boksingerong Pinoy na sasabak sa Olympics bago sila tumulak patungong Bulgaria noong Miyerkules. Nabakas sa kanilang mga mukha ang magkahalong lungkot at tuwa. Tuwa, dahil matapos ang dalawang linggo sa Bulgaria, tutungo sila sa Limojes, France, para ipagpatuloy ang pagsasanay. Lungkot, dahil di na sila makakabalik sa Pilipinas bago pumunta sa Athens, Greece.

Naisip ko tuloy kung alin ang pinakamalungkot na larangan ng palakasan. Marahil ay boksing na ang isa. Bagamat lahat ng sport ay may kaakibat na sakit ng katawan, kakaiba ang sa boksing, dahil ang puno’t dulo nito ay masaktan ang iyong kapwa tao. Maaari bang magboksing na di sasakit ang katawan?

Kung ihahambing naman sa mga martial arts, mas madalas kang tamaan sa boksing. May nakapagsabi pang sa 12 round ay maaari kang masuntok ng humigit-kumulang 700 ulit. At, di gaya ng ibang contact sports, uli ang pinupuntirya sa boksing. At sa loob ng ring, walang sasaklolo sa iyo. Nag-iisa ka.

Sa kabilang dako, napakalungkot din naman ang buhay ng isang swimmer. Anim na oras kang nakalubog sa tubig, at natural na wala kang makausap. Unti-unting nasisira ang mata mo sa chlorine (bihira ang manlalangoy na di nagsasalamin), natutuyo ang balat sa tubig, minsan nakakalbo sa mga sangkap na hinahalo sa tubig.

Kahit saan ka mapunta sa mundo, ilang oras kang nakatubog sa tubig. Wala kang marinig, halos walang makita. Malamig, mahirap huminga.

Noong World War ll, nilikha ang isang makinang epektibo sa torture. And tawag ay "sensory deprivation chamber." Nakabitin ka sa ilalim ng tubig, nakatakip ang mata’t tenga. Makakahinga ka sa pamamagitan ng isang tubo, pero hanggang doon na lang. Wala kang maramdaman, makita, marinig, maamoy o malasahan. Makalipas ang ilang oras, marami ang nasiraan ng ulo.

Ano pa ba ang mas lulungkot pa doon?

ANO

BAGAMAT

KAHIT

KANG

KINAPANAYAM

LIMOJES

LUNGKOT

MAAARI

NOONG WORLD WAR

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with