Sa pagtatapos ng kumpetisyon sa Rizal Memorial swimming center, kumulekta ang St. Jude mula sa District VI ng kabuuang 21-gold medals dagdag sa kanilang 17-gintong produksiyon kamakalawa upang mamayagpag sa overall medal standings taglay ang 38-golds, 37-silvers at 35 bronzes sa isang linggong kumpetisyong ito na supor-tado ng PSC, Smart, Air21, WG&A at Nestle Phils.
Pinangunahan ng 8 taong gulang na si Giles Go at 11-anyos na si Joseph Changco ang pamama-yagpag ng Green Mariners sa paglangoy ng tigawalang gintong medalya sa Class B.
Matapos mabigo sa kanyang kampanya noong nakaraang taon, binande-rahan naman ni Emerlyn Roselle Illescas ang Dr. Albert ES nang kumopo ito ng dalawang gold sa kanilang walong gold medals kahapon sa pagbubukas ng athletics competition sa Rizal Memorial Track Oval.
Nanalo ang 14-anyos na si Illescas sa girls 13-14 400-meter run sa kanyang pinakamabilis na oras na 1-minute at 8.58 seconds at sa long jump sa kanyang nilundag na 4.21 metro.
Ang iba pang nanalo para sa Dr. Albert ay sina Vanessa Faye Acbayan (girls 12-under 400m run), Kim Christianna Pomeda (girls 13-15 800m), Kevin Karl Lazo (boys 12-under 1,500 m) at ang girls 13-15 4x100m relay team at girls 12-under 4x100m relay team.
Pumapangalawa sa medal standing ang DWW ng District IV na may 15-3-10 gold-silver-bronze kasunod ang Youth Development Welfare Bureau ng District II (13-7-3), Paco Catholic School Seahawks (12-15-16) at St. Scholasticas College (9-11-3).
Dinomina rin ng P. Gomez Elem. School sa pangunguna ni Fritz Men-doza, ang table tennis competition sa Ninoy Aquino Stadium sa pagkopo ng lima sa siyam na events.