Sumandal sa kabaya-nihan ng power hitting troika nina Mary Jean Balse, Venus Bernal at Joyce Pano, bumangon ang Tigress mula sa first set na kabiguan nang kanilang dominahin ang huling tatlong sets tungo sa 17-25, 25-21, 25-16, 25-16 tagumpay noong nakaraang Huwebes.
Nakatakdang magsalpukan ang España-based netters at Lady Archers, ang nagdedepensang UAAP volleyball cham-pion, sa ganap na alas-4 ng hapon kung saan inaasahang muling maglalaban ang dalawa sa net.
Ang laban ay mapapanood ng live sa IBC-13.
"Of course, well try to go for it today," ani UST coach August Sta. Maria.
Ngunit una sa lahat, sinabi ni Sta. Maria na kailangang higpitan ng kanyang mga bataan ang kanilang depensa lalo na sa harap kung saan ina-asahang hahataw ang La Salle sa pangunguna ng kanilang malalakas na spikers.
Kailangang kontroilin nila kung hindi man tuluyang mapigilan ang La Salle hitters na sina Maureen Penetrante, Desiree Hernandez at Carissa Gotis sa torneong ito na itinataguyod ng Shakeys at suportado ng Mikasa at Accel.
Humataw ng 23 puntos si skipper Penetrante, 15 mula sa atake at 7 sa blocks ngunit napigilan ng solidong depensa ng UST sa net.
Gayunpaman, si Hernandez, ang 2003 UAAP MVP, ay nalimita lamang sa 10 puntos, 5 sa atake, habang si Gotis naman ay hindi maganda ang per-formance ng magtala lamang ito ng limang puntos mula sa 20 beses na atake niya sa net.
Ang UST ay lalaro na wala ang top defender na si Kate Co Yu Kang, na namumuno sa team sa unahan, dahil kasama ito ng national team na kalahok sa Princess Cup sa Thailand.
Naroon man o wala si Co Yu Kang, nanatiling matatag ang team na pinagtutulungan nina Balse, Bernal, Pano, setter Lourdes Palomo, Anna Eliza Fulo, Vida Rica Gutierrez at libero Missy Cruz.