Nanalasa ang power hitting troika nina Mary Jean Balse, Venus Bernal at Joyce Pano sa net upang pagsamahin ang 44 puntos, 32 nito mula sa atake, nang iselyo ng Tigress ang panalo na tumagal lamang ng dalawang oras at ikamada ang 1-0 abante sa kanilang maikling best-of-three series.
Ngunit higit sa malulutong na kills, malaking papel ang ginampanan ng depensa.
At katunayan, lima sa game-high 16 puntos ni Balse ay mula sa blocks habang nagdagdag si Anna Eliza Fulo ng apat pang pagba-blangka. Nag-ambag din sina Bernal at Pano ng tigatlo upang pigilan ang top spikers ng La Salle.
Tatangkain ng España-belles ang korona sa Linggo kung saan muling inaasahang dadayo ang kanilang ka-tropa sa Intramuros upang i-cheer ang kani-kanilang koponan sa event na ito na itinataguyod ng Shakeys at ipinalalabas ng live sa IBC-13.
Nagpakitang-gilas ang La Salle skipper na si Maureen Penetrante nang pangunahan nito ang lahat ng scorers sa kanyang 23 puntos, 15 nito sa atake at 7 sa blocks ngunit hindi naka-asa sa suporta ng kanyang mga kakampi na sina Desiree Hernandez at Carissa Gotis.